👸🏼Chapter 25👸🏼

Start bij het begin
                                    

"Ang alin?" Natatawa niyang tanong. Napakunot noo naman ako.

"What's so funny?"

"You! You're so innocent, Ashanti." Natatawang sambit niya.

"Yeah right." And I rolled my eyes.

"Ano bang naramdaman mo?"

"Ano, uhm. B-Basta parang," natigilan ako ng makita ko ang paraan ng pagtitig niya sa akin.

Iba kasi eh. Nakaka-ilang.

"Ah! Nevermind. Wala wala." At umiling iling pa ako habang sinasabi ko yan.

Tumaas naman ang kilay niya. "Hmm, okay then." At ngumisi siya. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at tumungo lang.

Nilaro-laro ko ang mga daliri ko bago ko siya tinignan ulit. "I-I think we should take a rest already. U-Uh, papasok na ako sa loob." Sabi ko habang tinuturo ang pinto.

Tumango naman siya. "You go in first, good night." At tumalikod na siya.

"Good night," at pumasok na ako sa loob at agad na sinara ang pinto sa likod ko.

Naglabas ako ng isang mabigat at mahabang buntong hininga.

This day is super weird. Lalong lalo na si Dylan.

Tinignan ko ang sarili ko sa full length mirror sa side ng pintuan ng bathroom.

Nakita ko ang sarili kong nakangiti. Since when did I smile? Tsaka parang may iba sa ngiti ko at ang mga mata ko, parang kimikinang.

What's wrong with me?

Napa-iling ako napagdisyunan na lang na magpalit na ng pangtulog.

Pagkatapos kong maghugas ng katawan at magpalit ng damit, humiga na ako.

Napatitig ako sa white na may details na gold na kisame ko.

Hindi ko mapigilang mapa-isip ang nangyari kanina lang. Lalo na 'yong paghawak ko sa kamay ni Dylan at yung pag ngiti niya.

Napangiti naman ako sa nangyari. Hindi naman pala talaga siya gano'n kasama.

Isang oras na ang lumipas pero hindi pa rin ako inaantok.

Tumingin ako sa orasan sa tabi kama ko.

10:37 PM.

Late na pala, pero napagdisyunan kong lumabas na lang muna't magpahangin.

Tinignan ko muna ang kabinet ko kung meron akong jacket do'n, and luckily, meron naman.

Kinuha ko ang black jacket at sinuot 'yon bago lumabas.

Naglakad na ako sa hallway palabas sa garden.

Pagbukas ko ng pinto, agad na sumalubong sa akin ang lamig ng simoy ng hangin. Lumaas pa ang balahibo ko sa leeg dahil sa lamig. Buti na lang at naisipan kong mag jacket.

Naglakad na ako papuntang bench. Lahat ng kawal na nakakasalimuha ko ay tumutungo tuwing dadaan ako sa kanila.

Alam na kaya nila? Kaya gano'n ang pakikitungo ng lahat sa akin? Wag naman sana...

The Slave Princess (Royalty Series #1)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu