"Magkano po manong?"tanong niya sa driver.

"Otsenta nalang ineng"nakangisi pa nitong sagot sa kanya.

"Ano ho!"gulat naman niyang tanong dito.

Hindi siya handa sa ganoon kalaking pamasahe, sa kanilang bayan tama na ang bente malaking bagay na iyon pero ang eighty pesos na pamasahe niya ngayon nakakagulat talaga. Nagpalinga-linga siya par asana magtanong kung tama lang ang sinisingil sa kany. Nang manlaki lalo ang mata niya sa nakikita niyang paligid niya.

Ilang metro lang ang layo niya sa binabaan niyang terminal kanina. Pati na din sa kinainan niyang karinderya kanina.

"Niloloko mo ba ako manong!"bigla niyang binalingan ang kanina pa nakangisi na matandang driver ng tricycle.

"Naku ineng, pwede kitang ireklamo, mukhang dinadaan mo pa ako sa kasungitan mo. Magbayad ka nalang"anito sa mataas na tono na din.

"Aba naman ho manong!"ganting sigaw niya dito.

"Baka ikaw pa ang ireklamo ko manong, niloloko niyo ako porket bago lang ako dito. Aba-aba ayan lang ang terminal na binabaan ko--"

"Hoy ineng, kahit pa iyan ang terminal na binabaan mo kanina sa katunayan na sumakay ka sa tricycle ko, kailangan mong magbayad ng pasahe mo"sansala nito sa iba pa niyang sasabihin dito.

Susugurin n asana niya ito ng may matigas na mga brasong biglang humawak sa baywang niya at hinila siya palayo sa matandang lalaki.

"Anong problema dito Mang Tikyo?"tanong isang baritonong boses mula sa likuran niya.

"Iyang babae na iyan, ayaw magbayad"lakas ng loob ng matandang driver na isumbong pa siya.

"Anong ako, hoy manong iniikot niyo ako sa ewan ko kung saan samantalang ang lapit lang pala ng pupuntahan ko. Tapos sisingilin niyo ako ng eighty pesos. Aba manong mahiya ka naman"pagtataray niyang muli dito.

Wala na siyang pakialam kahit pa nakakakuha na sila ng atensyon ng mga tao sa paligid nila. Basta maipaglaban lang niya ang katwiran niya. kanina pa siya napupuno sa matandang ito na kanina pa siya sinisigawan.

"Mang Tikyo, ilang beses na kitang binalaan sa mga ganyang galawan niyo, gusto niyo bang ireklamo ko na kayo sa munisipyo"singit naman ng lalaking kanina pa nakahawak sa baywang niya.

Bigla din siyang inihit ng init ng ulo sa lalaking kanina pa nananantsing sa kanya. hindi lang niya ito agad pinansin dahil sa matandang kaaway niya. Pumalag na din siya sa lalaking may hawak sa kanya kaya nakakawala siya dito. Agad niya itong hinarap at handang talakan.

"At ikaw naman---"

Nahigit niya ang sariling hininga ng makita ang lalaking nakaharap sa kanya ngayon na kanina lang nakayapos sa baywang niya. parang biglang gusto niyang bumalik sa pagpapayapos dito. Nanlambot pa ang tuhod niya sa pagkakatitig nito sa kanya na kala mo hinuhubaran siya sa sobrang lalim ng pagkakatitig sa kanya.

Bumuntong hininga ito, bago binalingan ang matandang driver.

"Eto ang bente Mang Tikyo, uli-uli pipiliin niyo ang kakataluhin niyo. Hindi porket mukhang hindi taga dito kakataluhin niyo na. ngayon tatandaan niyo ang mukha ng babaeng ito, para sa susunod hindi niyo na siya ililigaw at sisingilin ng mahal. Ako makakalaban niyo kapag nagkataon"banta nito sa matanda.

Nakita niyang inabutan nito ng bente pesos ang matandang driver bago siya nito hinawakan sa pulsuhan niya at hinila na siya papasok sa talyer sa harapan nila.

"Boss mukhang badtrip ka ata"puna ng mga kalalakihan na madadaanan nila.

"Tuloy niyo lang iyang mga ginagawa niyo, wag niyo akong pansinin"seryosong sagot naman ng lalaking may hila-hila sa kanya.

WERE MARRIED? (COMPLETED)Where stories live. Discover now