Love is unpredictable. Undeniable.
Love comes unexpectedly.
***
"Sige na Opal please? Kahit ngayong gabi lang. " She's been bugging me about that party thingy kanina pang pagkarating ko. Umiling ako at tahimik na pinagpatuloy ang panonood ng pelikula sa telebisyon.
She's Phoebe my best friend since fetus days. Grounded siya for some reasons. Tinawag niya ako rito sa bahay nila para may maka usap raw. Little did I know. She needs me to her oplan EScape. Para maka pag bar.
"Sige na kasi Opal pumayag ka na. We'll be home before 11 at hindi tayo mabubuking. I promise! " Pangungumbinsi niya. For 20th times. Umiling ako. Hindi talaga pwede. Alam ko na ugali niya abuso siya. Alam kong lalampas pa sa alas onse bago kami maka uwi at mahihirapan ako sa kanya. Knowing her she'll never stop drinking til she's wasted at manghihingi nanaman siya ng perang hindi niya naman binabayaran!
"Argh! You're the worst!"
Madramang Nagpapadyak siyang umupo sa sofa kita ko ang paghaba ng nguso niya mula sa gilid ng aking mata.
"Alam ko na halang ng bituka mo Phoebe."
"Oh come on! We've been best pal since we were kids! Mamatay ako dito sa loob ng bahay tatlong araw na akong hindi nakakalabas! Pumayag ka na kasi. Tulungan mo ako."
Inirapan ko siya at hindi pinansin. She groaned at my reaction.
Sandaling natahimik kaming dalawa at tanging tunog nang telebisyon ang maririnig.
I sighed. Nilingon ko siya, naka subsob ang mukha niya sa throw pillow at tahimik na humihikbi. I felt guilty. The hell?!
"Okay fine. Just this night for the sake of our friendship." Alam ko sa sarili kong hindi ko siya kayang tiisin.
Bahagya akong nagsisi ng makita ko ang mukha niyang nakangisi ng malawak. I rolled my eyes on her.
"I knew it! Hindi mo ako matitiis! I love you best friend! Mag aayos na ako. I'll be quick! " Napailing ako. She started humming habang papunta sa kanyang silid. Guess I have no choice. Kailangan ko siyang samahan.
****
Dim lights. The smell of smoke filled my nose. Tss. The party's in full blast. Maraming nagsasayawang tao sa dancefloor sumama na rin si Phoebe sa pagsayaw. Samantalang ako ay naka upo lang dito sa bar stool. Sumimsim ako sa cocktail. Habang mataman kong binabantayan ang bawat galaw ni Phoebe. She's like a sister to me. Only child ako kaya naman uhaw ako sa pagmamahal ng isang kapatid.
Huminga ako ng malalim. I'm not a party person. Ayoko talaga sa bar mas gugustuhin ko pang nasa Coffee shop na lamang at magbasa ng libro. Phoebe and i shared some interest mostly in things. But this one is different. She loves partying, hanging out with boys. While me? I'd rather stay rooted in my house watching kdrama whole day. Madalas ang paglabas ni Phoebe kaya naman natuto na din ako.
Humahagikhik na lumapit sa akin si Phoebe. "This is fun! This is life! Come on Opal! Sayaw tayo!"
Bago pa ako maka angal ay hinigit niya ako patungo sa dancefloor. Nag umpisa na siyang gumiling at sumayaw. Naiiling akong sinabayan na rin ang agos ng musika.
Kalagitnaan ang aming pagsasayaw ay may biglaang humawak sa akin.
Hindi na ako nagulat ng maramdamang gumapang ang kanyang kamay sa aking baywang. I've been to bars and this is not new. Umikot ako para maharap siya. Nang sandaling magtama ang aming mata, napaawang ang labi ko. He's freaking gorgeous! Who is this guy?
Naka suot ito ng leather jacket, messy hair bad boy na bad boy ang datingan. Halata ang pagka mestizo nito. His thick eyebrows that perfectly shaped, thick curly eye lashes that perfectly fits in those unique deep grey eyes. Those eyes are really magnetizing as he look at me. The perfectly 7 nose and those delicious looking red lips. I wonder how it taste like? Is it sweet? Oh shit?! What am I thinking!
Umiling iling ako sa naisip.
"Done checking me out?" Sumilay ang ngiti sa kanyang labi kasabay ng pag lalim ng dimples niya sa kaliwang pisngi.
Bahagya akong natauhan. Kumunot ang noo ko at tinanggal ang kanyang kamay sa aking baywang. "Sa iba nalang. Wag ako"
Bago pa siya maka angal ay tinalikuran ko na siya at hindi na lumingon pa. I admit he's handsome pero may iba na akong gusto.
Pinagmasdan ko ang aking repleksyon sa salamin bago tuluyang lumabas sa CR. Pagkalabas ko ay nakita ko ang lalaki kanina. Nakasandal ito sa pader, tila may hinihintay. Sinundan ba niya ako?
Bahagya siyang tumingin sa gawi ko at nagkatitigan kami. Nag iwas ako ng tingin.
I checked my watch and to my surprise! Malapit nang mag alas onse. Shit! Kailangan na naming maka uwi!
Bago pa ako maka layo ay hinigit ako ng lapastangan at siniil ng halik. He softly bit my lower lip, he sucked like it is a sweet dessert he parted my lips and entered his tongue exploring my mouth! Tumigil siya sa paghalik at bahagya akong kinapos ng hininga.
Para akong statue na hindi makagalaw. Nablangko ang utak sa halik niya. Tangina! Hindi ko manlang siya naitulak! Nag init ang pisngi ko sa galit!
Nang makabawi ako ay inipon ko ang lakas ko at sinipa ang pagkalalaki niya.
"Fuck shit!! Fuck! Fuck! Damn you woman!" Napaluhod ito at hawak ang sinipa kong parte niya panay napapadaing at sunod sunod ang malulutong niyang mura.
Gago ka! Nababagay yan sa iyo! Hindi porke gwapo ka pwede mo na akong halikan!
"That was for stealing my first kiss! Lapastangan ka!" Sigaw ko. Gusto ko ng makaalis sa lugar na ito! Bago pa ako makalayo ay sumigaw ito.
Nagsitaasan ang balahibo ko at kinilabutan sa huling sinabi niya.
"You will pay for this woman! Hahanapin kita! At mahahanap kita saan ka man magpunta!"
