PROLOGUE

7 1 0
                                    

"Sa muling pagkakataon ako'y muling magmamahal, pipiliin kong sumugal ngayon kaysa mawala ang taong mahal ko. Pero kapag nasaktan na naman ako di ko na alam ang magiging takbo pa ng buhay ko."

Muli s'yang nagmahal sa isang tao, sa isang taong alam n'yang iyon na talaga ang makakasama n'ya habang buhay. Nakikita na n'ya ang magiging takbo ng buhay n'ya, lahat ng kakaibang pakiramdam, naramdaman n'ya lamang sa lalaking nagpapatibok ngayon sa kanyang puso. Halos umikot ang mundo nya dito. Lahat ng hinihiling nya natatagpuan nya lalo na ang pagiging matiyaga nito at kayang mag-antay gaano pa man katagal.

Ngunit hindi maiiwasan ang mga bagay na hindi inaasahan, nandiyan ang sakitan at pagiging pabaya ng isa kinalaunan. May nagloloko, nagpapatawad at may muling tatanggap ngunit sa huli masasabi mong nakakapagod din pala pagpa-ulit ulit na lang.

Ngunit sa paglipas ng panahon, mapagtatanto mong ganoon talaga sa larangan ng pag-ibig hindi pwedeng walang masasaktan, wala mang perpekto na relasyon ang mahalaga totoong nagmamahalan kayo. Sabay nyong haharapin ang pagsubok na paparating.

"if you hurt me its okay baby only words bleed" - Nathalia Ramos Ventura

•dimpledz30

Loving Can HurtWhere stories live. Discover now