"Bakit?" Tanong ko pa rin dito.

"Ako nga pala si Coreen. Isang employee dito." Pagpapakilala nito sa sarili niya at inilapat ang kamay.

Mabait ako at friendly kaya tinanggap ko naman ang pakikipagkamay nito.

"I'm Mandy Yu." Pagpapakilala ko rin sa sarili ko na may tonong maldita pa rin.

"So, magkaibigan na tayo. Don kana muna sa table namin. Mag-usap tayo ng mga kaibigan ko." Mukhang pumi-feeling close na agad na anyaya nito.

"Wait---" Hinila na niya ako papunta sa table ng mga kaibigan niya. Ano pa ba magagawa ko e di nagpa-akay na lamang ako.

"Guys! Ito na si Mandy, new friends na natin." Nakangiting balita niya sa mga kaibigan niya nang makalapit kami.

"Wah!" Tili naman ng isang babae.

"Ito na nga siya!" Sabi naman ng dalawang babae halos nagpaluan pa sila sa braso.

Yung isang lalaki na kasama din nila, nakangiti lang saking malapad kaso naiilang din ako sa tingin niya. Parang nagagandahan siya sakin. Syempre naman, maganda naman talaga ako. Dami rin nagkaka-crush sakin. Dami na ngang nanliligaw saking mayayaman kaso ni isa sa kanila, wala ako sinagot sa kanila.

May nakalaan na kasi sakin. Ang isa sa anak ni Mr. Sy ang mapapangasawa ko. Iyon na ang gusto kong maging first bf ko. Mas interesado ako sa bunso kaso wala na siya. Kini-cremate na nila ang katawan nito ngayon.

"Hi, Mandy. Ako pala si Jacksy. Alam mo, fan na fan mo ko! Ang ganda mo talaga." Pakilala at puri ng isang babae na tomboy ata ito. Buhok palang kasi nito gupit lalaki.

Tinanggap ko naman pakikipagkamay nito.

"Ako nga din pala si Lanie. Fan mo din ako. Hihihi." Isang babae na ang daming kolorete sa mukha pero bagay naman sa kanya. Ang ganda niya kahit maliit lang siyang babae.

Tinanggap ko rin ang kamay nito.

"Aleshia nga pala. I'm not your fan kasi fan na fan mo 'to." Pakilala naman ng babae na halatang pabebe. Tawa palang nito parang pang-maarte na pero mukhang mabait naman siya.

"Ang guwapong nilalang sa lupa na ako lang ang lahi samin ang nag-iisa bukod tangi sa lahat. Wala ka nang mahahanap pa kaya nandito na ako handang anakan ka. Alfred nga pala." May pagkaka-feeling pagpapakilala ng sarili niya halos ngumiti pa siya ng ubod ng laki with naka-salamin pa siya sa mata na nagmumukha siyang nerd sabayan pa ng gusot niyang buhok. Pero nakita kong may sira siyang ngipin na nasa harapan.

Gusto ko sana tumawa kaso pinigilan ko nalang.

"Mandy." Tipid na pagpapakilala ko at tinanggap ang kamay nito.

"Have a seat." Sabay sabi ni Alesia at Jacksy.

Binigyan naman nila ako ng mauupuan.

"Thank you." Naupo naman ako.

Doon na rin nagsi-upo sila.

"Mandy, kailan ililibing yung anak ni Mr. Sy?" Paninimula ng topic ni Correen.

"Sa next monday na." Sagot ko sabay inom ng in-order kong coffee.

"Nakita mo na ba ang mukha ng bunsong anak ni Mr. Sy? Guwapo ba? Di kasi nila pinapakita yung mukha. Magkakaroon daw ng private na libing lang. Excited pa naman kami makita kung totoo ba ang sabi-sabi na pangit daw 'yon. Bakit dinala iyon sa ibang bansa? Para ipa-ayos ang mukha ata." Halatang chismosang sabi ni Jacksy.

"Oo nga." Pagsang-ayon naman ng tatlong babae sa sinabi ng kaibigan nila.

Oo nga, bakit di samin pinapakita ang mukha ng Clive na iyon? Siya naman tagapagmana ng Uphone at ako ang magiging fiancé niya, bakit di man lang sakin pinakita o kahit picture man lang nun?

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora