Tumango siya sabay ngiti ng kasing laki pa sa half moon. Weird niya ah?

"Okay! I call you Ros and I'm Elizabeth but call me Beth for short. Kaya pwede ba? Don't ingles me kasi ang hina ko dyan. Napipiga na utak ko sa kakaisip ng translation ng ibang word. Nasa pinas tayo wala tayo sa America." Naiinis nang pahayag ko halos di ko na in-english. Nahihirapan na talaga ako. Sumasakit na bunganga ko sa kaka-english, pati utak ko napipiga na rin.

"Ah?" Turan lamang niya at hindi niya naintindihan ang sinabi ko.

Napa-face palm nalang ako."Never mind."

Pumasok na kami sa isang maliit na building. Third floor iyon pero sa bawat floor, lima ang kuwarto. Nasa 2nd floor naka-pwesto ang kuwarto ko.

Bago pa man umakyat sa 2nd floor, pinuntahan na namin ng pulubi na ito ang kuwarto ng Landlady ng building na ito.

"What I said to you, remember it? Okay?" Pagpapaalala ko sa kanya nang nasa harapan na kami ng kuwarto ng Landlady.

"Yes, my Lady." Sagot lang niya at ngumiti ng matamis.

Doon na nga ako kumatok ng tatlong beses sa kuwarto ng Landlady. Di nagtagal, bumukas naman iyon.

"Bakit?" May pagkakasungit na tono na tanong nito.

"Magandang umaga po. Maaari po bang mag-stay po ang ka..." Kapatid ba sasabihin ko? Pinsan? Boyfriend?! Wag boyfriend! Ayaw ko maging boyfriend itong madumi na ito. Taray ko 'no? Kala mo di ako galing sa madumi. "...k-kapatid ko po? Wala na kasi ang magulang namin at pakalat-kalat nalang siya sa kalsada. Wala na siya matutuluyan. Kung maari po pwede po ba patirahin ko po siya dito? Share po kami sa kuwarto ko. Dadagdagan ko po ang bayad ko sa pag-uupa ko dito. Please? Maaari po ba?" Pagmamakaawa ko dito.

Tiningnan muna nito si Ros, baba hanggang taas. Napataas-kilay ito nang makita ang kabuuan nito.

"Okay! Pero paliguan mo muna siya. Ang dugyot-dugyot niya." Nandidiring payag ng Landlady.

Napangiti ako nang pumayag din ito."Salamat po! Maraming salamat po!" Sabi ko halos nagbow-bow pa.

"Okay." Sabi nito at sinarado na ang pintuan.

Nakahinga na ako ng maluwag at sa wakas wala nang problema.

"What did she say?" Tanong ni Ros sakin at mukhang di niya naintindihan pinag-usapan namin ni Madam Landlord.

"She say take a bath. You look dirt. Let's go! You take a bath, after you bath I go to work. Hurry! I'm late na in my work." Sabi ko sa kanya sa English.

Umakyat na kami ng hagdan papuntang 2nd floor.

JOHNSER SY POV:)

Nasa hospital  kami ngayon  para makita ang katawan ng kapatid ko na sunog na sunog halos di na makilala pa.  Papunta kami ng Papa at Lola ko sa morque kasama Dylan, Kuya Ramon na tagapag-alaga ng kapatid ko at si Mr. Yu na kasama ang anak niyang si Mandy Yu, nagmamay-ari ng Sumex Company.

Binuklat ni Papa ang puting tila na nakatakip sa katawan ng kapatid ko. Napapikit kaming lahat nang makita ang sunog na mukha ng kapatid ko. Di na makilala ito at parang na-letchon na talaga.

"Nagpapatunay na si Clive po iyan, Mr. Sy dahil suot ng anak nyo ang regalo nyo sa kanyang kwintas." Sabi ng Doctor sabay turo sa kuwintas na suot ng kapatid ko.

Napaluhod at napaiyak nalang si Lola nang makita ang kuwintas ng kapatid ko. Dahil katawan nga ito ng apo niya dahil suot nito ang kwintas.

"Apo ko!" Panay iyak lang si Lola."Apo, bakit mo kami iniwan?!"

Book 1: Mr. Billionaire, Don't English Me [COMPLETED]Where stories live. Discover now