Prologue

32 1 3
                                        

"Mahal kong anak, gumising ka na diyan at tayo ay magsisimula na sa iyong pagsasanay bilang susunod na pinuno sa kahariang ito" sabi ng haring pogi at mukhang binata pa lang habang ginigising ang pinakamamahal nilang princesa.

Napailing na lang sa sarili ang hari ng hindi pa rin ito gumigising. Minsan ay napaisip tuloy siya na mag hanap na ng mapapangasawa ang anak para tumulong sa kanya upang mamunuan ng mabuti ang kanilang kaharian dahil ang tamad-tamad talaga nito. Ngunit napaisip din siya sa kaligayahan ng anak na gusto nitong ang sarili ang makahanap sa mahal niya at gustong mapangasawa. Sa kadahilanang ayaw nitong matulad ang nangyari sa kaniya.

Napahilig ang ulo sa hari ng maalala kung paano nabuo ang kaniyang kaisa-isang anak.

"Dorothy..." sabay yugyog sa kaniyang dalagang anak.

Napamulat naman saglit ang dalagang princesa subalit sa kalaunay pumikit din.

"Saglit lang po, ama. Inaantok pa po ako" sabi ng princesa na halatang inaantok pa talaga ito

Ano ba kasi ang ginawa ng batang ito tuwing gabi at palaging matagal magising?

Napaisip ang hari

Tama siya. Kailangan ko nga iyon gawin para sa ikabubuti. Sa anak ko at sa lahat ng pamumunuan niya.

Umalis ang hari sa silid at tinawag ang kanyang pinakamalapit na kaibigan at katulong sa palasyo, si Nancy.

"Nancy, payag na ako sa plano mo. Para narin ito sa ikabubuti ng aking anak at sa lahat ng namumuhay sa Crandeid." sambit ng hari

Natuwa naman ang binibini sa nadinig galing sa mahal na hari

"Sige po mahal na hari. Ipaghahanda ko na po"

Tumango lang ang hari sa kanya na may ngiting umabot sa kilay.

Hindi alam ng hari kung anong nararamdaman niya pero pumaibabaw ang kasiyahan at... kilig?

Dahil siguro ay gagawa na naman sila ng masayang kalokohan na makakatulong sa iba.

Ngunit biglang sumagi sa isip niya na dapat ay itigil na nito ang nararamdaman para sa katulong dahil kailangan niya munang mahanap ang kanyang mapapangasawa—na ina ng kanyang anak.

***

Nang umalis ang hari galing sa silid ng princesa ay napamulat saglit ang dalaga at napaisip

Himala at hindi ako ginising ng todo ni ama. Ano kayang mero— OONGA PALA! KAARAWAN KOOO

Napabangon ang princesa sa gulat na kaarawan niya pala ngayon.

Ang saya ng kaniyang pakiramdam.

Mabilis siyang naligo at nagbihis sa pinaka bongga niyang gown. Siya na ang nagsuklay sa kaniyang kulay gintong buhok. Maayos niya talagang sinuklayan ngunit hindi niya na pinusod dahil hindi naman siya marunong.

Kumakanta-kanta pa siya dulot sa sayang naramdaman niya. Lumabas siya sa kanyang silid at nakita ang kanyang ama na puwang may iniisip.

"Ama..."

Napalingon naman ang hari sa kanyang magandang anak.

"Oh anak ko?"

"Hmm..." habang papalapit sa kaniyang ama ay nagtanong siya "Hindi niyo po ba nakalimutan kung ano ngayon, ama?"

"Ano naman ang mayroon ngayon, anak?" pabirong tanong ng hari

"Ama naman..."

Napatawa naman ang hari

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 20, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Princess DorothyWhere stories live. Discover now