"Sige. Salamat ulit, Beth."

Naglakad na nga ako para umuwi samin. Di ko mawala ang ngiti ko sa mga labi dahil alam ko sa susunod na linggo, magkakapera ulit kami ni Mama pag nabenta lahat yung mga tinanim naming mga gulay. Mabibilhan ko si Mama ng bagong damit niya.

Nasasaktan ako pag nakikita kong butas-butas ang damit ni Mama. Kahit panty ni Mama butas na rin. Kunti nalang mapuputol na ang pagkakabit ng mga tila iyon. Gusto ko na siyang bilhan kaso ayaw niya dahil ang sinasabi niya sakin palagi...

"Hindi, anak. Ipunin nalang natin itong pera para sa kinabukasan mo. Ayaw kong matulad ka sakin. Kailangan mo makatapos ng High School ngayon. Paghahandaan na naman natin ang pagko-kolehiyo mo."

Yan lagi sinasabi sakin ni Mama pag nagpupumilit akong bilhan siya ng bagong gamit.

Tama si Mama. Kailangan namin mag-ipon. Next pasukan, 1st year college na ako at nag-eedad dise-nuwebe na ako ngayon. Gusto kong course na kunin ko ay Agriculture. Balang araw, magiging mayamang magsasaka ako na may business ako sa mga gulay at prutas.

"Ma, nandito na po ako!" Sabi ko nang nasa harapan na ako ng bahay namin.

Simpleng bahay-kubo lang ang bahay namin ni Mama. Di kalakihan at di kaliitan. Maganda at komportableng tirahan. Para na rin kaming naka-aircon dahil sa masarap na hangin sa paligid.

Nilagay ko na sa mesang gawa sa kahoy ang bag kong luma at dumeretsyo agad sa kusina para magsaing.

"Ma, ano po ba gusto ninyong lutuin kong ulam? Gusto nyo bang magluto ako ng ginataang puso ng saging?" Tanong ko habang kumukuha ng mga kahoy na panggatong. Alam kong naririg yun ni Mama sa kuwarto. Gawain ko naman ito araw-araw.

Matagal di sumagot si Mama. Iniisip ko na baka tulog pa siya. Minsan ko na kasi siyang abutan na tulog sa kuwarto naming dalawa.

Hinuhugasan ko na ang maliit na kaldero namin nang makarinig akong parang may bumagsak. Tarantang pumunta naman ako sa kuwarto namin ni Mama. Takot na takot na tumakbo ako patungo doon.

Baka inaatake na naman kasi si Mama sa puso. May sakit si Mama sa puso, bata palang siya may sakit na talaga sa puso ni Mama. Ayaw niya magpa-check up kaya nagtiis siya sa sakit na nararamdaman niya.

Nakita ko nalang si Mama, nakahiga na sa sahig at parang nahihirapan huminga.

"Ma!" Tumungo agad ako kay Mama at binuhat siya. Mabilis na niyakap siya kahit nakaluhod ako sa sahig."Ma! Wag mo kong iiwan! Ma! Labanan mo yan!" Naiiyak kong sabi.

Di na siya makapagsalita halos parang nahuhugutan na siya ng hininga habang nakatingin sa akin. Kita ko sa kanyang mga mata na nahihirapan siya. Naiiyak na ako! Parang mawawalan ako ng pag-asa mabuhay pag mawala na si Mama.

Hinawakan ni Mama ang kamay ko at nahihirapang tiningnan niya ako sa mata.

"Ahhkk a-aaanak....aakhh hahanapin m-mo ang pa-pa mo... K-ku-kkkunin mo ang p-para sayo. T-tulungan mo ang P-papa mo sa masamang n-nakapa-li...bot sa kanya..." Nahihirapang bilin ni Mama sakin.

"Ma! Wag mo kong iiwan. Sabay nating hahanapin si Papa." Naiiyak ko nang sabi.

"T-ta-tandaan mo akhh anak... Di mo ha-hayaang aapak-apakan ka kahit n-nino man. L-lumaban ka, a-anak. Lumaban ka..." Patuloy na sabi sakin ni Mama."Ang p-pa... Aghhh pangalan ng papa mo aghhh Leandro Yu. M-mahal na m-mahal kita, a-anak..."

Parang may nabasag nalang ng salamin sa puso ko nang slow motion na bumagsak ang kamay ni Mama sa sahig. Tila tumigil ang mundo ko at natulala nang masaksihan iyon. Nang bumalik ang sarili ko sa katinuhan, doon na lamang ako humagulhol ng iyak. Panay sigaw ng pangalan ni Mama. Di ko alam saan at paano ako mabubuhay. Di ko alam kung saan na ko pupulutin ngayon.

Mr. Billionaire, Don't English Me [ON-GOING]Where stories live. Discover now