Chapter Seventeen

Start from the beginning
                                    


“Nasaan na ba yung Aldrich mo?” tanong ko kay Violet. “Uhm hi..” biglang may nagsalita sa bandang likuran namin. Paglingon namin ni Violet eh nagulat ako. He’s smiling at me. Then tumingin na siya kay Violet, “Kamusta na?” tanong niya kay Violet na nagbblush na ngayon. “Ayos lang naman ikaw ba?” “Namiss kita..” nagblush lalo si Violet. Ang landi ah! Isang malaking pantal na naglalakad talaga tong Aldrich na ito! “Who’s your friend here?” tanong niya kay Violet. Tinaasan ko siya ng kilay at nagsmirk lang siya sa akin. Pinakilala niya ako kay Aldrich, as if hindi ko siya kilala diba? Sasakyan ko muna trip nitong baliw na ito. Pero ilalaglag ko din siya kay Violet agad-agad. After siguro ng meet up na ito.


Pumasok kami doon sa coffee shop at umorder si Aldrich ng madami daming pagkain. Tapos inorder ko yung pinakamahal na frappe. Siya naman magbabayad eh. Nagusap silang dalawa ako naman nagwawifi lang sa iPad ko na bigay ni Elaz. Hanggang ngayon hindi ko pa rin dinedelete mga pictures niya dito, at hindi ko rin tinitignan, kasi one time tinignan ko parang ayaw ko ng ilayo tingin ko sa screen ang hot niya kasi! Nakakainis!


Nag-CR muna si Violet kaya naiwan kaming dalawa doon. Since walang CR sa coffee shop eh lumabas si Violet para maghanap ng Cr sa mall. Alam ko sa bandang dulo pa yun malapit sa entrance. Nagtitigan kaming dalawa ni Aldrich. “Anong trip mo?” tanong ko sa kanya. “Wala naman liligawan ko bestfriend mo, masama ba?” “Masama lalo na at kasasabi mo lang nung isang araw na gusto mong makipagbalikan sa akin.” “Eh na love at first sight ako sa bestfriend mo eh.” Hindi namin inaalis ang titigan namin. “I don’t believe you.” “Okay edi wag. Basta wag mo lang sabihin sa kanya na ex mo ako. Alam ko sistema niyong mga babae. Bawal ma-in love si bestfriend sa ex ng bestfriend niya.” “Okay deal, basta wag mo lang sasaktan ang bestfriend ko.”


After nung sa coffee shop eh nagpunta kami sa sinehan, gusto kasi manuod ng sine ni Aldrich kaya niyaya niya kami. Mga gabi na nun, last full show. Alam ko ineexpect ni Elaz na uuwi ako ng maaga pero hindi ko pwedeng pabayaan si Violet eh. Baka kung anu ang gawin nitong walangyang lalake na to sa bestfriend ko kaya ayun nanood kami sine. Mga 9 na yun, tapos two hours pa yung movie. Kaya after nung movie eh medyo inaantok antok na ako. Gusto ko na ngang matulog eh. Sumakay kami sa kotse ni Violet. Unang hinatid ni Aldrich si Violet. Nakarating kami sa bahay ni Violet ng mga 11:30 traffic kasi may nagbanggaan na dalawang kotse. Tapos nakarating kami sa apartment ng mga bandang 11:57. Hindi ko kinakausap si Aldrich. Nihindi ako naggoodnight sa kanya kahit naggoodnight siya sa akin.


11:59..


Gising pa kaya si Elaz? I sighed. Napatingin ako sa wrist watch bago ako pumasok ng apartment. Sakto biglang nag 12:00 midnight.


Pumasok na ako ng apartment. Nakita ko doon si Elaz sa sala nakaupo lang. “Hi..” sabi ko. “Hi..” ang cold ng tono ng boses niya. “Kamusta..?” tanong ko sa kanya. Lumapit ako sa kanya at doon ko napansin na nakasuot siya ng panlakad. Yayayain niya ba akong lumabas kanina? “Hinintay lang talaga kitang dumating. Sige matutulog na ako.” Tumayo siya at pumasok sa kwarto ng hindi tumitingin sa akin.


Susundan ko sana siya kaso biglang tumunog ang phone ko, may nagtext. Si  Violet nagtext.


“Uyy bessie thank you at sinamahan mo ako kahit expect ko talaga na may date kayo ni Elaz ngayon.” Huh? Anong date?


“Anong date?” tanong ko sa kanya.


“Di ka ba niya inayang lumabas?”


“Bakit niya naman ako aayain lumabas?”


“Birthday niya diba?”


Nakaramdam nalang ako ng panginginig ng tuhod. At bigla akong kinabahan at nawindang ang utak ko sabay gusto ko ng magcollapse. Waaaaa bakit ko nakalimutan?!


[End Chapter]


Sana nagustuhan niyo :)


Please leave votes and comments salamat :D


LOVE LOVE LOVE


--KINO

Sexy Neighbor [Completed+ EPILOGUE]Where stories live. Discover now