Tatlong taon na ang lumipas simula ng maging tayo
Tatlong taon na ang lumipas pero ikaw pa rin ang mahal ko.
Hindi ko alam kung bakit mabilis naman akong nahulog sayo,
Pero hirap na hirap akong mag move-on
Sinaktan mo na nga ako't lahat pero ikaw pa rin ang gusto ko.
Naaalala ko pa yung mga araw na masaya naman tayong dalawa,
Yung mahal na mahal pa natin ang isa't isa
Yung tipong sabi mo pa,
mamamatay ako kapag nawala ka.
Pero bakit nga ba humantong sa ganito.
Iniwan mo kong nag iisa
Yung pangako natin sa isa't isa ay mukhang ako nalang ang tutupad ngayon.
Iniwan mo ko...
Sa ere
umalis ka ng biglaan at walang
paa-paalam.
May tanong ako sayo
Patay ka na ba?
Bakit ganun?
Kasi sabi mo ikaw ang mamamatay kapag nawala ako,
Sa buhay mo
Pero bakit parang bumaliktad?
Kasi ako, buhay pa pero parang patay na
Dinurog mo ako ng sobra-sobra.
Pero kahit ganon,
Ikaw pa rin
Oo ikaw pa rin talaga
Paano bang hindi magiging ikaw ehh palagi kang nasa isip ko
Hindi ka maalis
Nakakainis!
Para kang isang linta sa isip ko na,
Nang mawala ay nag iwan ng sugat na naka marka.
Kahit anong sakit ang itinanim mo sa akin,
Kahit anong pagtataboy ang ginagawa ko sayo...
Sa isip ko
Bakit gusto pa rin kita?
Bakit hindi ko magawang ilagay ang atensyon ko sa iba
Bakit hindi ko magawang ibigay ang puso ko sa kanya
Bakit ayaw mong ibalik ang puso kong inagaw mo.
Bakit hanggang ngayon nakakulong parin ako sa nakaraan
at hindi makalaya- laya
Dinaig ko pa ang kapit bahay namin na nakulong
Dahil sa pagkakalulong,
sa droga
Kasi siya, nakalaya na
Pero ako, hindi pa.
Bakit hanggang ngayon,
Ikaw pa rin?
~charlenggg
A/N: corny ba? (^_^)
Sorry nemen! Haha
