Basketball - One Shot

8 0 0
                                        


"Let's go. Red team. Let's go."

"Green team will win this fight!"

"Fighting! Red team!"

'Yan rinig na rinig ang cheering ng bawat team na nasa stadium. Ngayon kasi ang championship ng red team and green team for basketball. Last day of sports festival ng campus namin.

"Hey, Eisha. Magpapalit ka na ba ng red shirt?" tanong ni Charlie.

"Ah...yup. Sabay na tayo." sagot ko.

"Okie dokie."

Hi. My name is Eisha Mendroz. Age 16 and 4th year high school student. 'Yung kausap ko naman is my best friend. Her name is Charlie Wane. Same age and same class as me.

Katatapos lang nung game namin. And guess what, panalo kami. Champions for basketball women. Once na manalo ang red team for basketball men, kami ang magiging over-all champions for sports festival. And yup, ang susunod na laban nga ay red team(4th year) versus green team(3rd year) para sa basketball men na nasa stadium na.

"Ahmm. Eisha?" tawag sa 'kin ni Charlie habang nagpapalit ng red shirt sa locker room.

"Hmm?" sagot ko.

"Last day na ng sports fest. Nagconfess ka na ba kay you-know-who?" sabi niya.

Bigla naman akong nasamid sa sarili kong laway.

"Nako, Char. Hindi ko ata kakayanin ng personal." pag-amin ko sa kanya.

"Bakit naman? Baka maunahan ka pa ng iba. Alam mo naman na madaming nakaabang sa kanya." naku naku

"Eh kaya nga. Ang balak ko na lang ay magbigay ng letter sa kanya. Sinulat ko nga kagabi at ibibigay ko sa kanya after the game if mananalo sila." sabi ko.

"Sige. Bahala ka. Pero pano 'pag natalo sila?" tanong muli niya.

"Edi hindi ko ibibigay 'yung letter. Gagawin kong sign 'yung result ng game sa pagco-confess." paliwanag ko.

"Okay. Goodluck. Support na lang kita. pagbibigay ng support ni Charlie sa 'kin. "Mauna na pala ako sa stadium ahh. Tawag na ako ni boyfie eh. Pagsave na lang kita ng upuan."

"Ah sige. Magpapalit na muna ako ng damit saka ako susunod. Kukuhanin ko pa pala 'yung letter dun sa bag ko." tugon ko.

Pagka-alis ni Charlie. Nagpalit na nga ako from red jersey to red shirt. Required kasi sa campus namin 'yung color coding para ma-identify 'yung federation kung saan kabilang.

Nagtungo naman ako sa classroom namin kung saan ko naiwan 'yung bag ko. Kinapa ko 'yung letter sa bag at nilagay sa bulsa ng sporty shorts ko.

"Campus students! Are you ready for the last game?" rinig kong sabi ng announcer mula sa stadium.

"Yeahhhhhh!" sigaw ng mga tao sa stadium.

"In a few minutes, the ball game shall begin. To all players, please be ready and be prepared." pag-aannounce nung announcer.

Dali-dali akong lumabas ng classroom. Tumatakbo ako sa hallway na isolated dahil lahat ng students ay nasa stadium para manood.

Nang malapit na ako sa stadium. Bigla akong may nakabangga. Natumba ako at bumagsak sa sahig.

"Sorry." paumahin nung nakabangga sa 'kin.

"Ah. Its okay. Bye." sabi ko matapos kong tumayo at tumakbo ng hindi nililingon 'yung nakabanggaan ko. Sa totoo lang, masakit 'yung puwetan ko dahil sa pagkakabagsak kaso magsisimula na 'yung game kaya hindi ko na lang ininda.

Basketball🏀Stories to obsess over. Discover now