"I came here to get you back." Walang pag-aatubiling sabi nito. "I love you Kim, and I want you back. Just please listen to everything that I will say—"

Hindi na niya pinatapos ang sasabihin nito dahil sinuntok niya ito. Narinig niyang napasinghap ang mga taong nakapaligid da kanila but she didn't care. Sa nanlalabo niyang paningin ay diretso niyang tiningnan si Jeremy. "Will you feed me with more lies Jeremy? Ano pa bang hindi mo nasasabi sa'kin? Let's get this over with para isang beses nalang akong iiyak at makalimutan na kita agad." Minsan nitong sinabi sa kanya na maari niya itong suntukin kapag sinaktan siya nito at kulang ang isang suntok a iyon para ipadama dito kung gaano siay nasasaktan ngayon.

Imbis na puro sakit, puno ng pang-unawa at pagmamahal ang nagkita niya sa mga mata ni Jeremy. Inignora niya iyon. Minsan na siyang nahulog sa mga mata nito. "Pakinggan mo muna ako Kim and listen carefully," pilit hinawakan ni Jeremy ang kamay niya at kahit anong piksi niya ay hindi siya nito binitiwan. "First and foremost, I love you. Totoo iyan at walang halong kasinungalingan. Infact lahat ng sinabi ko sayo ay totoo. Mahal kita, matagal na at awala kong balak iwan o ipagpalit ka sa kahit ano."

Magsasalita pa sana siya ngunit tinakpan ni Jeremy ang kanyang bibig. "Tapos ka ng magsalita hindi ba? Siguro naman panahon na para pakinggan mo ako. Para hindi na tayo umabot sa ganitong gulo. Dahil Kim, gustong gusto na kitang yakapin pero gagawin ko lang yun kapag nagka-ayos na tayo."

"Simula noong makita kitang umiyak matapos kitang suntukin noong bata tayo, sinabi ko sa sarili kong hindi ko na hahayaang masaktan ka ulit. Bakit? Dahil simula palang noon, mahal na kita. It was crazy, if you would ask me, pero kung dahil lang din sayo, handa akong magpakabaliw sa pag-ibig. I almost spent the entire half of my life being crazy in love with you and really, I didn't mind that at all."

Napatanga nalang siya dito habang mabilisang nilahad nito ang ginawa nitong pagsunod sunod sa kanya noong nasa kolehiyo palang siya. In it's wildest sense, para itong stalker sa kanya noon. Kaya pala hindi na rin kataka takang bigla nalang itong nadumarating kung nasaan man siya. She should creep out, ngunit wala siyang maramamang ganoon. Sa halip, tila unti-unting nawawasak ang kalasag niya sa paraan ng pagkukwneto nito.

"I saw how you build yourself Kim. How strong you were. Kaya naman pinagbuti ko rin ang aking sarili para sayo, I want to be deserving of you. Doon ko nakilala si Mr. Arevalo. Sinabi ko na minsan sayo an tungkol sa kanya. Ngunit ang hindi ko nasabi ay ang tungkol kay Celine, his daughter."

Nahigit niya ang hininga ng muling lumitaw sa kanyang balintataw ang mukha ni Celine. Very sophisticated and well dressed and rich...and the mother of Jeremy's daughter.

"For the longest time, Celine was my friend. Alam niya ang lahat ng tungkol sa'kin, kasama ka na. I told her every detail of our story. Per sa kabila niyon ay hindi ko alam na may itinatago na pala siyang damdamin para sa'kin." Nagtagis ang bagang nito. "She came to hacienda to tell you to back off because she wanted me for herself..."

Hindi niya maunawan. Bakit tila galit ito kay Celine? Dahil ba nasira nito ang plano ng binata sa pagpunta nito doon?

"Tinanggihan ko siya dahil hindi ko siya mahal at alam niya iyon. Tanging ikaw at ikaw lang ang mamahalin—"

"Cut it out Jeremy! May anak kayon dalawa kaya bakit mo ako pipiliin—"

Jeremy cupped her face in his hands. "Hindi mo ba naiintindihan, Kim? Hindi ko anak si Lilay. Anak siya ng dating nobyo ni Celine na nang-iwan sa kanya noong malamang buntis ito. Lilay always calls me daddy dahil halos ako na ang tumayong ama ng bata. Alam mo kung gaano ko ka-ayaw makita ng isang bata na walang ama. And that was my mere role in Lilay's life. Tatay-tatayan lamang niya ako."

Ang Buhay Ko (A Buko Love Story) [ COMPLETE ]Where stories live. Discover now