It was a test! Kulang ang salitang masaya para bigyang kahulugan ang nararamdaman niya noong mga oras na iyon. Magpapasalamat palamang siya kay Senora ng sabay silang mapalingon ng marinig niya ang malakas na busina mula sa labas. Agad niyang sinilip ang komosyon sa binatana at ganoon nalang ang pagkagulat niya ng makita niya si Kim na umiiyak na bumaba ng sasakyan nito saka binuksan ang gate ng mansyon.

BINUBUKSAN ni Kim ang gate ng mansyon ng maramdaman niya ang matatag ngunit mabining paghawak sa kanyang braso. Hindi niya kailangang lingunin kung sino iyon—kilang kilala ng puso niya ang may-ari ng mga kamay na iyon.

"Saan ka pupunta, Kim?"

She didn't answer nor looked at him. Ayaw na niyang makita ito. Ayaw niyang tingnan ang mukha nito dahil baka bigla nalang bumuhos ang lahat ng emosyon niya—

"Anong problema, buko pie?"

That snapped her out of her trance. Piniksi niya ang kamay nitong nakahawak sa kanya saka ito marahas na hinarap. "Huwag mo akong tawagin ng ganyan, Jeremy. At huwag na huwag mo na rin akong pipigilan, lalapitan o kung ano pa man dahil ayaw ko ng makarinig ng kahit anong kasinungalignan mo." Matatag ang kanyang boses at sa totoo lang maging siya ay nagulat doon.

Kumunot ang noo ni Jeremy at kung hindi lang siguro niya alam ang totoo, aakalain niyang hindi talaga nito alam ang dahilan ng nangyayari sa kanya. "A-anong ibig mong sabihin Kim?"

"Ang ibig kong sabihin, tapusin na natin ang lahat ng kalokohang ito!" She exasperatedly said. "Nakuha mo na ang gusto mo hindi ba? Tama ang ginawa mong panloloko sa'kin, tama ang kasinungalingan dahil sa totoo lang..." She trailed off, trying to fight her tears back but of course, this time she didn't win. Just like the battle she chose to engage in, she was defeated.—awfully defeated. "...ang sakit sakit Jeremy. At hindi ko alam kung kakayanin ko ang ganitong sakit. Kaya sana, hanggat kaya ko pa, t-tapusin na natin ito."

Pakiramdam niya, naubos ang lahat ng lakas niya sa ginawa niyang pagsasalita. Ayaw sana niyang umiyak sa harap ni Jeremy, pero paano nga ba niya pipigilan ang pagluha niya? Paano niya pipigilan ang sakit?

Hindi niya alam.

Umangat ang kamay ng binata para hawakan siya ngunit umiwas siya dito. She saw pain flashed across his eyes and it hurt her too. A thousand times.

"H-hindi ko maintindihan ang sinasabi mo, Kim."

Marahas siyang bumuntong hininga. "Pwes ako, naiintindihan ko na. Sana maging masaya kayo ng pamilya mo para sa makukuha mong premyo."

Tinalikuran na niya ito ng may maalala siya. "At huwag na huwag mo na akong tatawagin ng buko pie. Mag-stick ka nalang sa sweetie pie mo!"

"What? Anong sinasabi mo Kim? bakit—"

As if on cue, they both heard a loud shriek and when she turned she saw the little girl from a while ago. Jeremy's daughter!

"Daddy!" tumakbo ito papalapit kay Jeremy na halatang nagulat ngunit lumuhod itoupang salubungin ang bata. Now she understood why Jeremy was fond of kids, it was because he already had his own.

Mapait na pinagmasdan niya ang mag-ama. They didn't quite resemble each other, pero hindi naman lahat ng mag-ama ay magkamukha.

Bago pa muling bumalisbis ang kanyang luha ay sumakay na siya sa kanyang kotse at pinaharurot iyon palabas ng hacienda. Ayaw na niyang bigyan ng pagkakataon si Jeremy na makapagprotesta. Hindi na niya binigyan ng pagkakataon ang kanyang sarili na muli itong lingunin dahil baka hindi na niya kayanin at bumigay nalang siya.

She drived aimlessly towards...where? Saan pa nga ba siya tatakbo kung ang puso, isip at kaluluwa niya ay naiwan sa isang lalaking minahal niya ng lubos ngunit niloko lamang siya?

Muli, hindi niya alam.

"WHAT DID you do?" Jeremy's voice was restrained but the anger inside him was boiling to its highest peak. Pilit lamang niyang pinakakalma nag kanyang sarili dahil alam niyang hindi maganda ang maidudulot nito at lalo lamang iyong makakagulo sa sitwasyon.

Celine sighed deeply and looked down. Nang makita niya kanina ang dalaga bigla siyang nagkaroon ng ideya tungkol sa mga sinabi ni Kim. Ngunit ayaw niyang bigyan ng maling hinala ang pagpunta nito sa hacienda. She was still his friend and he doesn't think she can—

"I love you Jeremy."

"What?" Mataas na boses na tanong niya. "Anong sinasabi mo, Celine? Alam mong si Kim ang mahal ko, mula noon, hanggang ngayon. You told Kim Lilay was my daughter didn't you?"

"Mahal kita Jeremy. Hindi mo rin ba nakikita iyon? Hindi mo ba alam na satuwing tatawag ka, para i-kwento si Kim ay parang—"

"That's bullshit Celine!" Tumaas baba ang kanyang didbib sa pagkontrol ng galit niya. Hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya ngayon. Celine was his friend and all this time...gusto niyang mapailing. "Si Kim ang buhay ko. She is my everything and I almost had her. Alam mo kung ano ang pinagdaan ko, Celine. How could you do this to me?"

"Hindi ka niya kayang mahalin kagaya ng pagmamahal ko sayo Jeremy. I'm the perfect partner for you. Kami ni Lilay ang bubuo sa buhay mo. We can be your—"

Hindi na niya kayang tagalana ng sinasabi ni Celine kaya naman hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. It was a firm grasp and he was even careful not to hurt her even every single cell of his body was screaming it. "Hindi ikaw ang magsasabi kung sino ang para sa'kin Celine. Hindi moa lam kng anong meron sa'min ni Kim—iyon ang hinding hindi pwedeng maging tayo. Kaya bago ko pa makalimutang kaibigan kita, sabihin mo sa'kin ang lahat ng sinabi mo kay kim."

Tiningnan niya ito ng diretso sa mata. "Kailangan ko si Kim. Kailangan ko siya dahil mahal ko siya." 

Ang Buhay Ko (A Buko Love Story) [ COMPLETE ]Where stories live. Discover now