Part 1

1.1K 22 6
                                    

"Miss Chloe!" 

"Sir!" gulat na sigaw ko at napadiretso ng upo.

"Hahahahahaha!" narinig ko ang malakas na tawanan ng mga kaklase ko. Inilibot ko ang tingin ko at lahat nga sila ay nakatingin sa'kin habang humahalakhak na para wala ng bukas. Nahiya naman ako sa sarili ko kaya inayos ko na ang buhok ko.

"Bakit ka natutulog sa klase ko?" Taning sa akin ng professor ko na may malapad na salamin. Mukha siyang geek pero gwapo. Hihihi namumula ang mga tenga niya sa inis dahil sakin. How cute gosh!

"Ako natutulog? Hindi kaya. Nananaginip lang." ngiting-ngiti kong sabi sa kanya pero napakaseryoso pa rin ng itsura niya. Kaya imbis na ipagmalaki ko pa ang ngiti ko, napayuko na lang ako sa kahihiyan. Minamalaiit na naman niya ako.

"Natutulog ka nga. Gusto mo ba talagang i-drop kita sa klase ko?" Ayan na naman ang boses niya. Nakakatakot kapag nagalit. Ayaw ko ng magsalita sana kaso pahiyang-pahiya na ako e. Hindi naman ako bata na kailangan pinapagalitan sa kalagitnaan ng klase.

"Sir, ang gwapo mo dyan sa suot mong barong, a! Ibuburol ka na?" Pang-aasar ko sa kanya. Narinig ko ang tawanan ng mga kaklase ko at nakita ko ang pagtagis ng bagang niya sa inis.

Napatingin siya sa suot niyang damit at muling binaling ang inis na inis niyang tingin sa'kin. "Class dismissed. Miss Chloe, come to my office...now."

Shit. Ito na naman tayo. Bakit kasi inasar ko pa? Ayan tuloy.

*

Huminga ako ng malalim bago kumatok sa office ni Sir Geek. Nangangatog ang tuhod ko kahit hindi ito ang first time ko rito.

"Bukas yan." Narinig ko sinabi niya mula sa loob. Papasok na sana ako kaso pinigilan ko ang sarili ko. Nangangatog talaga ang tuhod.

"Pumasok ka na, Miss Chloe." Matigas na sabi niya kaya pumasok na ako kesa magkalagot-lagot na naman.

Wadapak. Masyadong maliwanag dito sa loob. Yung ilaw ang liwa-liwanag. Yung pintura puti, yung kurtina puti rin. Pati tiles kulay puti. Aish! Ayaw ko dito. Para akong pupunta ng langit e.

Narinig ko ang pagtikhim niya kaya napatingin ako kay Geek. "Sir." Bulong ko dahil sa sobrang kaba. Feeling ko parang iiyak na ang tunog ng boses ko e.

"Bakit ba lagi ka na lang natutulog sa klase ko? Gusto mo ba talagang ibagsak kita?" Nakita ko ang inis at asar sa mukha niya. Gusto ko sanang lokohin siya uli kaso baka lalong mainis at totohanin ang sinabi.

"Wag. Please lang." Pakiusap ko at pinagdaop ang mga palad.

"Ayaw mo? Bakit ka natutulog sa klase ko?" istrikto niyang taning sa'kin at nag-cross arms saka sumandal sa swivel chair niya.

"Ah eh kasi..." gusto kong gumawa ng dahilan. Hindi ko naman kasi pwedeng sabihin na ang dami kong nilabhan kagabi kaya pagod ako ngayon at nakatulog. "Kasi masyado kang pogi para maging professor. Kaya imbis na makita kang nagtuturo. Nag-daydream ako na artista ka. Yun!"

"Ganun ba ako kagwapo para i-daydream mo pa ako kahit nasa harap na ako at nagtuturo?" Tanong niya sakin na may nakakalokong ngiti. "Sige, itawag natin yan sa mga magulang mo." Mapang-asar niyang sinabi at hinablot ang telepono sa lamesa.

"Uy wag! Please, wag! Wala silang kinalaman dito. Please." Nagmamakaawa kong sinabi at inagaw sa kamay niya ang telepono.

"Bukas ng umaga bumalik ka dito at dalhin mo ang mga librong yan sa 4th floor ng Computer Engineering Building." Utos niya sakin at napatingin ako sa mga librong tinuro niya. I literally dropped my jaw.

"What the heck?" Bulong ko na nanlalaki ang mata habang nakatingin sa kanya. "Tingin mo ba kaya kong iakyat yan lahat sa building na yon? Hanggang fourt floor yon at wala pang elevator! Gusto mo ba talagang mamatay na ako?"

"Sumisigaw ka ba Miss Chloe?" Tanong niya sakin na nakangiti ng malawak. Napailing naman ako dahil sa kawaln ng pag-asa. Alam ko ibig sabihin ng ganyang ngiti. Tatawagan niya ang magulang ko kapag umangal pa ako.

"Ito na po, Sir. Susundin ko ang nakakabwisit mong utos. Ngayon kamahalan, may ipag-uutos ka pa ba?" Magalang na pabalang kong tanong sa kanya. Umilis naman siya. Napairap ako at sinabihan siyang "Geek."

Biglang sumeryoso ang mukha niya at ang sama ng tingin sakin. "Sinong geek? Ako?" Nakita ko ang pamumula ng mga tainga niya. Hala ka! Nagalit na naman.

"Ikaw lang naman kausap ko. So obviously, ikaw ang sinasabihan ko." Diretsang sinabi ko pero ang totoo kinakabahan ako at nangangatog ang tuhod ko sa takot. Ang sama kasi talaga nung tingin niya. Yung tipong di mo gugustuhin na nagkamata pa siya.

Ngumiti siya. No, ngumisi siya. "Bukas, 8am pumunta ka dito para kunin yang mga libro. CEB 405."

"Shit." Npamura ako sa sobrang kawalan ng pag-asa. Paano ba naman kasi. Hanggang fort floor ko bubuhatin tapos walang elevator. At itong office ni Sir Geek ay dalawang building ang layo sa Computer Engineering Building. Mas madali pa ang magpakamatay kaysa buhatin yang mga libro. Architecture ang course ko e!

"Get out."

"Fine." Sabi ko at lumabas na ng office niya. Pahihirapan nga talaga ako ng geek na yon na may malapad na salamin. Di bale... madaling gumanti.

Umuwi na rin ako kagad matapos ang ginawa kong kalokohan sa old geezer na yun. Pero sa tinagal-tagal ng paghiga ko rito sa higaan ay hindi pa rin ako tinatamaan ng antok. Kasi... nakokonsensya ako. Nilockan ko kasi ng pinto si Geek at pati ang gate kinandado ko. Siya na lang kasi ang natitira sa loob ng faculty kaya ayun.

Wah! Anong gagawin ko?! Pano kung lalong nagalit yun at ibagsak nga niya ako sa subject niya? Paano ang gagawin ko?

Biglang bumukas ang pinto ng kwarto ko kaya napatingin ako don. Nakita ko si Mommy na tuwang-tuwa at parang baliw na kulang na lang mapunit ang bibig sa sobrang ngiti.

"Anak, umuwi ka ng maaga at may pupuntahan tayo." Sabi niya habang taas baba ang kilay. "Good night, Leng." At lumabas na siya ng kwarto ko.

Anong meron? Bakit ganon ang inakto ni Mommy? Oh well... matutulog na ako dahil may pupuntahan pa raw kami bukas at marami pa akong dapat asikasuhin pagkagising ko kinabukasan.

"Wag kang makonsensya sa ginawa mo. Karma ang tawag don." Bulong ko sa sarili ko bago tuluyang nakatulog.

That Geek [Hiatus]Место, где живут истории. Откройте их для себя