Ang sarap pakinggan ng salitang
PAG-IGIB, hindi ba?
Sa totoo lang, halos lahat na yata nang puwang sa mundong ito ay nababalot na nang pag-ibig.
Pakiramdam ko nga ang lahat nang tao ay hindi mabubuhay kung wala yun.
Pero syempre, alam naman nating lahat na kaakibat nang salitang PAG-IBIG ay SAKIT.
Kapag tayo ay nagmahal, asahan na nating masasaktan tayo.
Naalala ko pa yung sinabi sakin nung isa kong kaibigan na "Walang karapatan ang isang taong magreklamo kung bakit sya nasasaktan kasi sa simula palang mas pinili nyang magmahal at alam nyang mangyayari yung araw na iiwan sya at iiyak sya, to make the story short CHOICE nya yun ”.
Ngunit di rin naman sa lahat ng pagkakataon ay ganun, may mga ibang tao lang siguro na swerte sa love. Pero sa ngayon, feeling ko ako hindi.
Ako lang ba? Yung madalas isipin na malaki ang pagkakautang ko sa mundo, kaya kapag naging sobrang saya ko, lagi nalang may susunod na dahilan para maging sobrang lungkot ko.
Ako si Sabina Manuel, 20 years old.
I'm a 4th year accounting student sa PUP Sta. Mesa and I'm single for 2 years now.
I used to love the thought of romance. Oo, I just used to, and this is my story..
