Chapter 1: What life is.

792 22 9
                                        

"ATENG MAGANDA, KUYANG GWAPO! DITO NA KAYO, BILIN NIYO NA PO ITECH PARA MAKA GORA NA AKO!!!" sigaw ko sa mga nagdadaanang tao sa harap ko.

"Magkano ba isa neng?" sabi ng isang matabang babae habang pumipili ng bibilhin niya.

"Sampu lang po para sayo Mam sexy!!" ganito ang kalakaran ko para makabenta, ang mang bola ng customer.

"Ay sus! Binola mo pa ako, sige nga limang biko tsaka tatlo nitong kakanin." yes! Konti nalang makakauwi na ako at makakapagpahinga na...

"Naks naman! Eto po oh, mam sexy. 80 pesos lang po." at binigay ko na ang supot ng binili nito.

Amoy pawis na naman ako, paano ba naman kasi kaninang umaga pa ako kumakayod. Bago ako magtinda ng kakanin ay pinaubos ko muna ang tinda naming almusal sa bahay. At pagkatapos ko magpahinga mamaya ay lalarga ulit ako dahil mag raraket pa ako sa carwash.

"Ate girl bilin mo na po 'to! 3 kakanin nalang oh! Para makauwi na rin ako." sabi ko sa babaeng tumitingin sa paninda ko.

"Sige bhe, kunin ko na. Magkano ba?" at kinuha nito ang wallet niya na napakalaki! Jusq po baka wala akong panukli dito!!

"Trenta lang 'te!" nilagay ko na sa supot ang natitira kong paninda at binigay na dito.

"Eto oh." ha??? Ang laki laki ng wallet tapos ang ibabayad sa kin tagpi-piso? Hay naku!!

Pumunta muna akong palengke para bumili ng makakain namin. Nga pala, wala na ang tatay ko, sumakabilang buhay na noong 16 years old palang ako, kaya simula noon tinulungan ko nalang si nanay kumayod at tumigil na ako sa pag-aaral.

Si nanay naman hindi na nagtrabaho. Wala ng ibang inatupag kundi ang mag-sugal! Pero wala akong magagawa, ako nalang ang kumakayod para sa pamilya at kahit anong trabaho pinapatos ko, pwera lang sa pagbebenta ng katawan ha!!

Dumiretso na ako sa bahay pagkatapos ko mamili. Kahit hirap na hirap na ako ay pilit kong ginagapang ang pag-aaral ng mga kapatid ko. At ayaw na ayaw ko silang nakikitang nanghihingi ng kahit ano kahit kanino. Kaya kahit paraket-raket lang ako ay binibigay ko kung ano gusto nila.

"ATE SARAAAAAH!!" sinalubong ako ng dalawa kong gwapo at magandang kapatid.

"Oh Jay at Ella ba't pawis na pawis na naman?" mas amoy pawis pa 'tong dalawang 'to kaysa sa akin! Siguro nagbabad na naman sa arawan!

"Eh ate kasi 'tong si kuya Jay nagyaya maglaro daw kami sa labas..." sabi ni Ella habang pinupunasan ko ito ng bimpo niya.

"Hay nako kayong bata kayo! Pumasok nga kayo dun at manood nalang ng TV, magluluto lang ako at kakain na tayo." natuto na rin ako sa gawaing bahay kasi you know, para maka survive. Minsan nalang rin kasi umuuwi si Nanay.

PAGKATAPOS ko magluto ay hinanda ko na ang maliit naming mesa para makakain na rin.

"Jay, Ella! Kakain na halika na kayo dito!!" sigaw ko mula kusina. May pader kasi na naghihiwalay sa kusina at sala namin. Etong bahay na 'to nalang ang pinamana ng tatay ko sa amin.

"Wow ate, sinigang! Favorite ko 'to ah!!" nagmadaling umupo si Jay at agad kumain.

"Hay nako Jay! Sabihin mo gutom ka lang sa kakalaro mo sa labas." ginulo ko ang buhok nito.

"SIIIIIIIIIIIS!!!" hay nako! Eto na naman ang bespren kong kala mo may nilunok na mic!

"Pwede ba Yenggay, kapag magsasalita ka hinaan mo lang? Ang sakit sa tenga eh." tinakpan ko pa tenga ko.

"Eh kasi sis ganito 'yun, may pa-contest sa TV! Diba gusto mo naman kumita? Singing Contest 'yun! May 5,000 na consolation prize kapag natalo. Kapag sinwerte ka pa pwede ka pa mag-uwi ng 2M oh gusto mo?" wow. 'Di naman ako madalas manood ng TV dahil lagi ako nagtatrabaho. Pero etong contest na 'to mukhang maganda ah..

"Oh sige. Ano bang pangalan ng contest na 'yan? Tsaka umupo ka nga muna at kumain ka." sabi ko habang naglalagay ng kanin sa plato ko.

"The Voice sis! At si Tita naglilista ng gustong mag-audition para makamove forward sa Blind Auditions. Eh ikaw naman dahil kilala ka niya diretso ka na sa Blinds at sigurado na 'yang 5,000 mo!" hala! Ang easy money naman dito...gusto ko sumali!

"Kailan nga ba 'yan?"

"Bukas na agad sis." sabi ni Yenggay habang kumakain.

"Bukas agad???? Wala pa akong damit sis!" grabe naman kasi ngayon lang nito sinabi sa akin.

"Ako bahala diyan sis, basta mag-practice ka lang muna ngayon para bukas maganda magiging performance mo!" teka, teka? Ano ba meron dun sa pa-contest na 'yun??

"Ano ba gagawin dun sis?" at in-explain na niya sa akin..

May 4 coaches daw duon si Lea Salonga, Sharon Cuneta, Bamboo Mañalac at 'yung isang 'di ko kilala, si Matteo Guidicelli.




So ayun feeling author na naman ako HAHAHAHAHAHAHA sana magustuhan niyooo! 'Yan na best ko 'wag na kayo mag-expect ng mas best pa chos.... HAHAHAHAHA

Love is UnkindTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang