Chapter 1. hello

41 5 2
                                    

Hello. Ako nga pala si Veena Lorece Hipolito. Grade 10 student. Hindi po ako anak mayaman. Maganda lang ang pangalang ibinigay ng Mama ko sa akin. Medyo malayo sa tutuong itsura ko. At kalagayan sa buhay.

Ito ang natatangi kong umaga.
Espesyal sa lahat ng umagang dumaan sa buhay ko.

************""""""*****"********

Hay. Bakit kaya wala pa siya. Kanina pa ako dito sa may gate ng school. Papasok pa kaya siya? Ngayon lang nangyari 'to, ah. Bakit kaya.

Tumutunog na ang alarm sa mga classrooms. Hudyat na ng first period pero wala pa rin siya. Ano na kayang nangyari sa kanya. I facebook ko kaya. O kaya, I messenger ko. Ay! Oo nga pala. Hindi kami friends sa fb. Kasi naman....matagal na akong nag friend request pero di niya inaaccept. Mga two years ago na. Deadma lang siya. Siguro....dahil mapili siya. Pinipili lang ang ipifriends. Matalino naman kasi at gwapo. Syempre, prefer niya siguro na tulad din niya ang ka friends. A year ago nga ay naka block na ako. Malamang pa na nalaman na siguro na ini stalk ko siya. Kaya naman....nagkasya na lang akong tanaw tanawin siya sa ground. Makinig sa boses niya kapag recitation o nag eexplain. Pumalakpak kapag pinupuri siya ng teachers. At manood ng mga presentations na kasali siya. Di man niya ako napapansin. Masaya na ako. Araw araw naman kasi ay napapasaya niya ako. Maliban kung araw ng Sabado at Linggo na walang klase.

Lulugo lugo akong nag lakad patungo sa building 1.

Naku! Math pa naman ang first period namin. As usual.... Mamumuro na naman akong panigurado kay Miss Pamintuan. Nakakailang ulit na kasing below passing ang nagiging score ko. Of all subjects, bakit naman ang Math pa ang pinaka weakness ko. Nakakahiya na tuloy sa mga classmates ko. Lalo na kay Carl, ang crush at first love ko. Super galing kaya niya sa Math. Kaya nga pamalagian siyang kasali sa mga Math contest in and out of school. Sayang....sana katulad din niya ako. Eh di sana'y napapansin niya ako ngayon. Pero dahil nga very poor ako sa problem solvings...heto ako. Nakatanaw lang sa kanya sa isang tabi. Sayang talaga.

Mga ilang metro na lang ang layo ko mula sa first building ng bigla na lang akong bundulin ng kung sinong Pilatong humahagibis na dumating. Kaya ayon, napasubsob ako sa roughly cemented na ground.

" Arayyyyy....." Naiiyak na daing ko. Sobrang sakit ng kanang braso ko na napailalim sa dibdib ko. Pati panga ko ay namanhid sa pagkakatama sa semento. " Arayyy..."

Hindi ako nag iinarte. Talagang tutuong masakit. Dyosko. Mahihimatay yata ako sa nakita kong dugo sa palad ko ng ihilamos ko sa panga ko. Pinamawisan ako ng malamig. Ang tutuo kasi'y may phobia ako sa dugo. Sa aksidente kasi namatay ang papa ko last year lang. Duguan siya noon.

Dalawang pares ng mga kamay ang nagpipilit akong maiangat mula sa pagkakadapa. Dama ko ang panlalamig ng mga iyon.

" Arayyy..."

" O-okey ka lang ba? " May kinig niyang tanong habang inaalalayan akong tumayo. Ang higpit ng hawak niya sa isang braso ko at baywang. " K-kaya mo bang... lumakad? Teka. Patingin nga ng mukha mo."

May dinukot siya mula sa bulsa ng itim na pantalon. Marahang ipinahid iyon sa panga ko.

" Dumudugo ang baba mo. Sandali kukuha lang ako ng yelo sa labas ng school."

" Naku! Huwag na. Malelate na tayo."

Tigas ng desisyon niya. Talagang tumakbo siyang palabas ng gate para lang sa yelo.
Hindi ko akalaing ganoon siya kapag nagdedesisyon. Akala ko kasi'y deadma lang siya. Iyon kasi ang first impression ko sa kanya.

Ewan ko ba kung kikiligin ako sa concern niya. O, maiinis ako sa nangyari. Sa huli ay pinili ko na lang na kiligin. Kahit kasi nagkaganito ako ay napansin naman niya.

You and Me  #Wattys2018Where stories live. Discover now