THIRTY THREE: Fireworks

218 16 12
                                    

Julia

"We're here." Sabi ni Zach kaya automatic na napamulat yung mga mata ko, umidlip ulit kasi ako after akong magtanong ng mga details about sa nangyayari.

Agad na kinuha ni Zach yung mga luggages sa taas. Nag insist pa 'ko na tulungan ko siya pero hindi niya 'ko pinatulong.


Baka gusto niya na yung stewardees  yung tumulong sa kanya. Sus.


Napailing nalang ako sa naiisip ko. Masyado na 'kong paranoid.


"Come on," sabi niya at sumabay na sa kanya sa paglalakad.


Pero siyempre, hindi kami agad nakalabas ng airport dahil ang dami pang nauuna samin.


Tinignan ko muna yung phone ko sa pouch ko para malaman kung anong oras na at nakita kong 8:00 pm na.


So, ano kayang gagawin namin?


Ayoko namang tanungin kay Zach dahil baka may plano na siya at gusto kong masurprise din ako dahil alam ko na pinaghandana niya talaga 'to.


"Enjoy your vacation, ma'am and sir." Sabi samin nung stewardess na na encounter namin kanina.


Ngumiti lang kami ni Zach sa kanya pero bago kami makalabas, tinawag ko siya.



"Miss?" mukhang nagulat siya nung tumawag ako pero kaagad rin siyang ngumiti sakin.



"Yes, ma'am?" Tanong niya pabalik.



"Why are you staring at me differently a while ago?" I asked while still smiling.



"Hey, makikipag-away ka ba?" Bulong ni Zach and I swear, nakakakilabot yung hininga niya.


Umiling lang ako at muling tumingin sa babae.


"Kasi you're so blessed to have Mr. Lopez beside you."


I frowned. Bakit walang sense yung reason niya? Parang may mali?


"What do you mean?" I asked. Buti nalang, kami nalang yung natitirang passengers dito kasama yung ibang stewardess na mukhang busy so hindi nila kami mapapansin.



"What I mean is, ang swerte mo kasi kasama mo siya ngayon, ikaw yung kasama niya. While there are still few people, dying to see him and dying to be with him so...you're blessed."



"So you mean that you are one of those 'few people' that you are saying?"



"Julia, tama na." Bulong ulit ni Zach pero umiling lang ulit ako.



Hindi naman ako nakikipag away, kinakausap ko lang siya. At hindi lang dahil sa pagtingin niya sakin ng weird kaya ako nakikipag-usap sa kanya.


But there's something inside me na hindi ko maipaliwanag, parang may nagtulak sakin na kausapin siya not out of jealousy or what but because I want to know her, and I want to know if she's related to Zach or anything.



Basta, ang hirap i-explain!



"No i'm not. But Misha Keith Lopez does." Nagulat ako sa sinabi niya kahit hindi ko kilala kung sino 'yun. So, relative ni Zach si Misha daw?


"Julia, please let's get out of here!" Sabi niya sabay hila sakin pababa. Para na nga niya 'kong kinaladkad dahil sa bilis ng paghila niya eh.


"What was that?" I asked. Since naguluhan ako sa nangyari!


Napahinto si Zach at napasabunot sa ulo niya.


The Next Stage (COMPLETED) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang