Chapter 1

11 1 0
                                    

Usual na araw, usual na umaga ,usual na simula ng aking kwento.

Yung mag riring yung alarm na gigising yung bidang maganda tapos , late na siya at nakabangga niya yung bagong transferee na gwapong lalaki na mag sisilbi niyang nobyo sa huli.

Diba ? Ang cliché.

Pero sa kwento ko hindi ako nalalayo sa usual at magsisimula rin tayo sa usual.

Usual na bumangon , naligo , kumain , at pumasok sa skwelahan

Pero hanggang dun lang yung usual kase yung sumunod na usual sa buhay ko ay usual nang masaktan!'

Umupo ako sa desk ko , sympre dahil tamang tama lang yung dating ko 10 minutes before the time eh, wala pa yung professor ko.

'' kamusta yung libro kong pinahiram sayo," tanong 'ko kay kiza

'' okay namn libro padin,'' walang kwentang sagot niya.

Si Kiza ay friend?
kaibigan ang turing ko sa kanya.
Well kaibigan ko naman ang lahat ,ayoko ng kaaway.

'' ahh- mababaliw na ako sa statistic natin ,''saad niya at ginulo gulo pa ang buhok niya

'' bali—''

'' hindi ako baliw,''putol niya sa akin.

At maya maya dumating na ang prof naming kaya kailangan ko nang makinig, mag take down notes kundi lagot ako mamaya

Habang nag tetake down ako , napatingin ako sa labas ng kwarto namin, merong dumaang dalawang bulto ng tao.

Dahil nga SOBRANG usual ang araw na ito , napa sapo ako sa aking dibdib sabay baba ng aking mga mata sa aking itim na sapatos.

 Bumuntunghininga ako saka ibininalik ang tuon sa aking isusulat at pakikinig sa professor naming salita ng salita.

Pero hindi mapigilan ng aking mata ng sundan ang bulto ng dalawang taong masayang naglalakad sa hallway.

Masakit sa puso, pero tama na ang pagiging tanga! 

A B R I L - K A S A D Y A H A N

...Where stories live. Discover now