Chapter 1
Nakangiting nakatunghaw si Ami sa kabilang establishment, habang nakapangalumbaba nang bigla siyang sikuhin ng kung sino. Matalim na nag angat siya ng tingin sa umistorbo sakaniyang pagliligaw tingin.
“hoy babae, baka naman matunaw na siya sa kakatitig mo o kaya naman pag nagawi ang tingin niyan dito ay pagkamalang mental institute itong office natin dahil diyan sa pag ngiti mong parang baliw” litany nito pero hindi niya ito pinansin instead ay binalik niya ang tingin sa lalaking ilang linggo na niyang crush. Kumbaga sa addiction ay nasa high stage palang siya kaya naman go na go ang pakiramdam niya dito. Wala na siyang pakialam kung sabihin nga siyang baliw o aning-anong ng mga kasamahan niya. basta gagawin niya ang gusto niya at iyon ay ang titigan sa malayo ang kaniyang crush na hindi pa niya alam ang pangalan.
“hay oo nga ano, hindi ko pa pala alam ang pangalan mo o irog ko” aniya saka bumuntong hininga ngunit agad na napawi iyon ng ngumiti ito at sinalubong isang lalaking bagong datin. “ay never mind na kung ano ang name mo. Basta ikaw ang para sa akin at ako’y iyo lamang” pakantang aniya saka ngumiti ng abot tainga.
“ewan ko saiyo baliw kanang talaga babae, wala ka nang pag asa” ani nito saka hinila ang buhok niya pero bago pa siya makaganti dito ay dagli na itong lumayo sakaniya at tumatawang iniwan siya doon. Hinatid nalang niya ito ng may matalim na tingin hanggang sa makapasok ito sa opisina nila. at dahil umalis na ito, naiwan na uli siyang mag isa. Nakangiting bumaling siya dito pero nabitin ang ngiti niyang iyon at napamaang dito ilang saglit ng makitang nakatingin ito sa direksyon niya! maang na tumingin pa siya sa likuran niya upang alamin kung sino ang tinitingnan ng mga ito pero ng bumaling uli siya dahil wala siyang nakita na tao sa likuran niya ay tiningnan uli niya ang direksyon nito saka kumaway ang lalaking kasama nito. Nagulat siya at sa sobrang gulat niya ay napatingin siya sa taas. Dagli naman niyang binababa ang tingin saka nagmamadaling umalis sa puwesto niya at sinundan si Himeya sa opisina nila.
“oh Ami tapos ka nang sumilay sa irog mo?” nakayukong tanong ni Himeya na naabutan niyang nagbabasa ng pocketbook. Nang hindi siya magsalita ay saka lang ito nag angat ng tingin at napakunot-noo sakaniya. “oh anong nangyari saiyo?”
“si a-ano tumingin sa akin!” impit niyang tili na gumaragalgal pa ang tinig.
“ha? Talaga tumingin saiyo si ano mo!” masigla naman nitong sbai saka umayos ng upo at puno ng interes na hinila siya paupo sa mahabang sofa.
“sinong ano iyan?” nakakunot noong tanong ni Boushin at interesadong lumapit sakanila at iniwan ang ginagawa.
“Yung ano niya!” ani Himeya at pinalo si Boushin sa braso.
“oo tumingin sa akin si ano ko!” impit na tili naman niya.
“ahh si ano na ano ni ano. Na inano ni ano. Grabe ang linaw niyong mag usap bahala na nga kayo diyan” walang pasensyang sabi ni Boushin saka umalis na sa loob ng opisina. Hinatid nalang nila ito ng tingin saka sabay na tumawa.
“ito talagang si Boushin minsan hindi ko makuha ang ano niya” sabi ni Himeya. Tumango nalang siya bilang pagsang ayon. “speaking diyan sa ano mo? So ano ngang nangyari!?”
“kasi ganito nga. Diba iniwan mo ako sa labas kanina nang mag isa?” umpisa niya sa kuwento saka nilunok ang laway niya para mas makapag salita siya ng malinaw.
“tapos?” excited na sabi ni Himeya.
“tapos ayun paglingon ko sa puwesto nila, nakatingin sila sa direksyon ko eh di siyempre nagulat ako. Lumingon ako sa likuran ko at tiningnan ko kung may tao doon then wala. Eh di tiningnan ko uli sila tapos kumaway iyong kasama niya! gulantang siyempre ang beauty ko kaya bigla akong napatingin sa taas then nang marealize ko iyon siyempre hiyang-hiya ako kaya patakbo na akong pumunta dito!” humihingal na sabi niya saka tumayo at nagpapapadyak padyak na parang bata.
