Chapter Five

2.5K 46 3
                                    

Chapter Five

"Anak alam mo, noong bata ako, yung lola mo napakahigpit sa mga manliligaw ko noon pati ang lolo mo, sinasalubungan lagi ng itak," sabi ni Mama na ikinatawa ko naman.

"E paano po kayo naligawan ni Papa?"

"Simple lang, hinarap niya yung itak at yung mga magulang ko."

Hindi ko ma-imagine si papa na haharapin yung itak nila Lolo. Natatawa lang ako. Nagpatuloy lang si mama sa pagkukwento habang hinihintay ko si Louis.

"Pero anak bata ka pa. Kahit pa na matalik na kaibigan mo si Louis, kailangang dumaan pa rin siya sa amin ng papa mo."

"Naman po ma."

Nakalipas ang ilang segundo ay dumating na si Louis at ilang minuto muna kaming nagtitigan sa labas ng gate bago umalis. Grabe, I didn't expect na magiging gan'yan kaguwapo yung Best Friend ko. Tapos yung childish side niya ay parang nawala. Nakakahiya man aminin, ang hot niya ngayon. Ngayon ko din napansin yung mga muscles niya dati. Akala ko talaga patpatin ito dati. Pinagnanasaan ko na yata yung best friend ko.

"Aww." Nabunggo na naman ako. Napakalalim ko kasi mag-isip e. Akala mo iniisip yung problema ng buong Pilipinas.

"Okay ka lang ba?" Tumango lang ako. Ang sakit talaga. "Anong nginingiti-ngiti mo jan?" Napansin ko kasing napapangiti siya pero nagpipigil lang.

"Wala. Ang cute mo lang kasi. I didn't expect na paghahandaan mo talaga itong date na ito."

"Pasalamat ka nag-effort pa ako." As usual ngumiti lang siya. "Guwapo ka rin naman. Para ngang nakakahiya na may kasama kang katulad ko."

"Bakit naman?"

"Ang pangit ko kaya kumpara sa hitsura mo ngayon." Ganyan ako ka-humble. "At isa pa, kanina ka pa pinagtitinginan ng mga babae dito. Kulang na lang itangay ka."

Dahil din sa kanila kaya kanina pa ako naiilang. Mukhang darami na naman haters ko. Bakit kasi ganoon? Hindi naman ako pala-away pero ba't feeling ko ang dami kong kaaway o haters dahil sa mga taong sinasamahan ko?

"Pangit ka na kung pangit na totoo naman." Napakabait talaga ng best friend ko. "Pero wala silang magagawa. Ikaw gusto ko. Besides, you're the most beautiful girl in my eyes."

Naramdaman kong biglang uminit yung mukha ko. Ganito ba talaga yung feeling na may nagmamahal sa iyo? Ang saya lang. Pero bakit pakiramdam ko hindi matutumbasan yung feelings niya?

"E.. Ewan ko sa iyo."

Naramdaman kong hinawakan niya yung kamay ko habang naghihintay sa train. Hindi ko nga alam kung saan niya ako dadalhin at kailangan pa naming sumakay sa MRT. 

Habang nakasakay sa train ay inaalalayan niya ako. Kaunti lang ang tao pero occupied na ang lahat ng upuan kaya nakatayo lang kami. Nang makakita kami ng bakante ay agad kaming umupo. Pero ilang segundo lang ay tumayo din si Louis para ibigay sa matanda yung upuan niya.

Isa lang ang gusto kong sabihin sa kanya, proud na proud ako. Napaka-gentleman niya talaga. I thought katulad na rin siya ng iba na nakalimutan na iyon. Kasi kung tutuusin kanina pa naghahanap yung matanda ng upuan pero yung ibang nakaupong lalaki ay walang pakialam.

Pagkatapos ng ilang minutong byahe ay nakarating kami sa SM Megamall. Niyaya niya muna akong kumain sa Food Court since tanghali na rin naman. Umorder siya ng Korean Food and ang sarap niyon.

Nasa sizzling plate siya tapos may mga iba't ibang uri ng gulat tapos may kimchi tapos nasa gitna yung kanin na may sunny side up na itlog sa itaas. Tapos hahalo-haluin mo siya. Ang sarap lang talaga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 01, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr. and Ms. C Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon