Simula

23 6 0
                                        

Napaungol ako nang maramdaman kong may yumuyugyog sakin. Laking panira naman nito, yun na e, magki-kiss na kami nang kung sino man yung nasa panaginip ko.

"Ano ba, Emma! Gumising ka na nga dyan, male-late ka na. Selpon ka kasi nang selpon," sigaw ni Mama habang panay ang yugyog sa'kin at may hawak pang sandok.

"Oo na Ma, saglit lang," sagot habang nagkakamot ng ulo kahit di naman makati.

"Anong saglit ka dyan, hala sige, bangon!" Napilitan akong bumangon sa kama dahil pakiramdam ko ay mabubutas na yung eardrums ko kakasigaw niya.

"Mama naman e, kakatulog palang nung tao binubulabog niyo agad e ang aga-aga pa," reklamo ko habang nagkukusot ng mata. Kainis talaga bukod sa naudlot yung napakagadang panaginip ko, literal na kakatulog ko palang talaga kaya antok na antok pa ko.

Inismiran niya lang ako at lumabas na. Nang masigurado kong bumaba na siya ay agad akong bumalik sa paghiga at nagtalukbong ng kumot. Maayos na sana ang lahat nang biglang umalingawngaw ang boses ni Mama.

"Emma Javier!"

"Ito na nga ma." Napabangon ako nang wala sa oras at nagtatatakbo papuntang CR.

---

"Ano ba naman yan, Emma. Pwede bang mamaya na yang kakalaro mo sa cellphone at kumain na muna tayo? Makakapaghintay naman yan, maawa ka naman tuyot na yung bituka ko sa sobrang tagal mo," ngawa ni Alexa.

"Talaga ba? Tuyot na bituka mo? Eh kanina ka pa nga lamon nang lamon ng kung ano-ano. Huwag ako ha!"

Di ko talaga alam kung paano ko to naging kaibigan e. Kung ako ay sobrang addict sa cellphone siya naman ay sobrang addict kumain. Hindi siya mabubuhay kapag hindi siya ngumunguya. Napailing nalang ako dahil sa iniisip.

"Ang honest mo naman, friend. Ikaw nga e, laro ka nang laro ng maze games, nag-try ako nyan sobrang boring kaya." Nagawa pa niyang umirap.

"Ewan ko sayo, wala kang pake. Halika na nga kumain muna tayo nang matahimik na yang bunganga mo." Lumawak naman ang ngiti sa mukha niya. Patay gutom talaga.

Eversince I was little, paborito ko na talaga ang mga maze game. Isang beses pa nga nag-outing kami ng buong pamilya at mayroon dong maze at pumasok kami, buong maghapon ako sa loob nun dahil tinakasan ko sila Mama kaya ayun, nang makabalik ako ay nakatikim ako ng malupit na hanger.

Nang makarating kami sa napili naming carenderia sa labas ng school ay agad akong umupo at hinayaan na si Alexa na umorder ng pagkain. Kating-kati na yung kamay ko sa paglalaro pero pinigilan ko muna yung sarili ko. Nang matapos kami ay nanatili kaming nakaupo para magpahinga dahil na-cut na naman ang klase.

"Nga pala Emms, next week na yung Senior’s Night. Excited na ko, may susuotin ka na ba?"

"Wala pa," halos makalimutan ko na ang tungkol dun. Di ko naman kasi trip yun pero once in a lifetime experience kaya sa tingin ko ay hindi dapat palagpasin.

"Good. Sabay tayo bumili sa Friday, ha?" Tumango nalang ako bilang sagot. Napagkasunduan naman naming dumaan saglit sa university para tingnan kung may bagong announcement. Medyo kumikirot yung ulo ko siguro dahil sa maikli lang ang tulog ko.

Habang naglalakad ay nakatuon ang pansin ko sa cellphone kaya hindi ko napansin na tumatawid na pala kami. Napahinto nalang ako nang makarinig ako ng malakas na busina. Paglingon ko ay wala akong ibang nakita kundi ang isang nakakasilaw na liwanag.

"Emma!"

Yun na ang huli kong narinig bago ako tuluyang balutin ng kadiliman.

Escaping The LabyrinthNhững tác phẩm khiến độc giả say mê. Hãy khám phá bây giờ