"Gags! Namali yata ako ng rinig guys." Ella said and touched her head.

"Oh my gosh! Totohanan na to?" I asked him.

"Yes! Basta ha tulungan niyo ako. May mga plano na ako." sabi niya at ngumiti sa amin. Isa isa namin siyang niyakap at inasar pa siya ni Ella.

"Anong meron guys?" Justine said. Binigay kaagad ni Ella si Kyrie sa kanya at umiling lang.

Hinatid namin sila hanggang sa pinto.

"Ahm... Ly?" Baser said. Ngumiti naman ako sa kanya. Lumapit siya at hinawakan ako sa kamay. "Thank you ha. Thank you sa patience kay Kiefer. Sana lang humaba pa pasensya mo sa kanya. Mabait yon thank you for bringing back my old bestfriend Aly." Sabi niya at yumakap pa sa akin.

Tumango na lang ako sa kanya kahit na hindi ko na gets ang sinabi niya. Pagkasarado namin sa pinto kinalabit kaagad ako ni Ella.

"Ano yong ibig sabihin ni Baser Besh?" Tanong niya sa akin.

"Ewan ko besh. Hindi ko din gets ano yung sinabi ni Baser. Nangtitrip na naman yata." Sabi ko at umiwas na sa kanya.

Kinabukasan maaga akong nag-ayos at naglinis ng bahay para makakapagsimba ako mamaya. Umalis si Gretchen dahil kahit sunday may work siya. Si Ella naman aalis kasi nandito yung pamilya niya sa manila.

Nagbihis ako ng white na dress ko at isang may sakto lang na takong na sapatos. Nabili ko pa to sa ukay ukay bago pa ako makapasok sa company ni Kiefer. Mura lang to 70 pesos. Maganda at maayos pa. Tinali ko ang buhok ko at kinuha ang sling bag ko.

Pagbaba ko tatawag na sana ako ng taxi para magpahatid sa Quiapo Church pero napatigil ako nang makita ko si Kiefer. Nakasandal siya sa sasakyan niya.

"Kief?" I said. Kumaway naman siya kaagad sa akin. "Anong ginagawa mo dito?"

"Kakarating ko lang dapat tatawagan kita eh. Ano... Ahm.. Saan ang punta mo?" Sabi niya at tinignan ang damit ko.

Bago ko siya sagutin umikot muna ako sa harap niya. "So? Ayos lang ba yung damit ko?" I asked him.

"Ayos lang. Bagay sayo ang white. Mas lalo kang gumaganda." Napalunok ako sa sinabi niya. "I mean kapag nakawhite ka mukha kang mabait. Mukha kang hindi madaldal. Mukha kang hindi marunong mang-away ng boss" Sabi niya kaya hinampas ko siya kaagad.

"Kiefer! Magsisimba ako ha. Gusto ko ng peaceful na hapon. Kaya kung mang-aasar ka lang pwede ka ng umalis baka ano pang bad words ang masabi ko sayo." sabi ko at ready na sanang umalis pero tinawag niya ako ulit.

"Tara na sama ako sayo." Sabi niya at tinitigan ko naman siya.

"Bakit na naman? Ano na naman ang kailangan mo ha?"

"Wala lang. Wala kasi akong ginagawa sa condo so sasama na lang ako sayo. Pasok na Alyssa." Sabi niya pa at nauna na sa sasakyan.

"Hay nako! Napakabossy pa din talaga." sumunod na din ako sa kanya. Alam ko naman na kapag hindi pa ako sumunod sa kanya hindi niya din ako titigilan kaya mabuti na din to.

Dumating kami kaagad doon at sabay kaming pumasok sa loob ng simbahan. Buti pala maaga kami kaya konti pa lang ang tao. Pinili ko ang malapit sa electric fan para hindi din mahirapan si Kiefer. Umupo siya sa tabi ko at tumingin kami sa altar.

"Palasimba ka bang tao?" I asked him. Pwede pa naman kami mag-usap may 30 minutes pa siguro bago magsimula ang Mass.

"Hmm.. Dati. Relihiyoso kasi si Mama ko. Tapos every Sunday kailangan talaga pupunta kami sa church." Kwento niya sa akin.

Aftermath (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon