Chapter 8

3K 112 28
                                    

~~~~~

"Lyyyyy?"

Napabitaw ako sa hawak kong fabric conditioner dahil sa sumigaw sa labas ng kwarto namin. I know that voice.

Naglalaba ako nang mga underwear ko dito sa bathroom. Kanina lang nagpunta ako sa laundry ng condo dito. At nagwashing ng mga damit ko pero kapag underwear ko talaga mas gusto kong ako ang naglalaba.

"Alyssaaaaa!!" Sigaw ni Justine at yumakap sa likod ko. "I miss you beshiebells." Sabi niya at bineso ako.

"Hey! Ganon ba tayo katagal hindi nagkita ha?" Sabi ko at umirap naman siya.

"Saturday nga pala it means laundry day. Kasama ko si Kyrie bes. Nasa labas, tapos ka na ba? Tara muna doon." Sabi niya at ngumiti ako.

"Sige na mauna kana. Last na to oh, lalagyan ko na ng fabric conditioner ang mga undies ko. Sige na." Sabi ko at umalis na din naman na si Justine.

Binilisan ko na ang pag-aayos ng mga gamit ko at sumunod kaagad. I heard soft giggles on the kitchen. I know Gretchen's baking some cookies.

"Hey! Little Baser ninang missed you so much." I said and pinched his cheeks. Tumawa naman si Kyrie sa ginawa ko.

"Nang... Nang miss." Sabi niya at mas ngumiti ako sa sinabi niya. Napatigil kami ng tumunog ang pinto may kumatok.

"That's Baser... Ako na magbubukas guys." Justine said.

Nilapag ni Gretchen ang plates sa harap namin at tinuro naman kaagad ni Kyrie yon.

"Yow! Wassup!" Baser said and smiled to us. "Kumusta Ms. Secretary?" Sabi niya at tumawa pa.

"Oo nga pala Ly kumusta ang work? Mukhang nag-eenjoy ka eh." Gretchen asked me. Naglagay pa siya ng juice na tinimpla niya. May dalang ice cream sila Justine kanina.

"Okay lang. Okay pa naman. Masaya kahit na ang daming trabaho kinakaya naman." sabi ko sinubuan si Kyrie ng cookies na gawa ni Gretch.

"Kumustang boss ang bestfriend ko?"

"Okay lang. Ang sungit niya grabe. Alam mo ba minsan pa kapag tinotopak siya biglang ang daming utos." Humalakhak si Baser sa sinabi ko.

"Okay lang yan mukha naman kinakaya mo eh. Sabi mo nga malaki ang sweldo diba besh?" Si Ella na kinuha sa akin si Kyrie at siya na ang nagtuloy ng ginagawa ko.

"Oo malaki talaga sweldo ko at yung benefits panalong panalo ako."

"Okay yan para naman hindi yung ang dami dami mong raket tapos anong oras ka na umuuwi dito." Gretchen said.

"Ito pa yung huli ha, may tumawag kasi sa office kaibigan niya yata yon tapos nung after nila mag-usap bigla na lang nagagalit na naman nagsusungit. Sabi pa kapag daw tumawag i-connect ko kaagad at huwag nang kausapin." pagkukwento ko.

Tawa nang tawa si Baser sa sinabi ko. Napapahampas pa siya sa table dito. "Langhiya! I need to see my gang. This is one of the best news I've heard." sabi niya at tawa pa din ng tawa.

"Hey! What's funny? Yon lang naman talaga yon sinabi niya eh." Sabi ko at tinapik pa si Baser.

"Don't mind me Ly. Wala lang to. I'm glad happy ka sa work mo. Sabi ko naman sayo diba ayos tong work na to eh." Sabi niya at hindi ko na siya pinansin at binago na namin ang usapan at nawala na sa ganon.

Hapon na nang umalis sila sa amin. Nung nagpaalam si Justine na pupunta lang ng bathroom. Kinausap kami ni Baser.

"I'm planning to propose na to her. Next month. Can you help me?" Baser said. Pare-pareho kaming natulala sa sinabi niya.

Aftermath (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat