BARBARA
Hay panibagong araw nanaman sa trabaho. Panibagong araw na makita si boss crush hehehe. Uy di si Sir Jax ha? Si Sir Shaun yung crush ko. Gwapo naman si Sir Jax kaya lang matanda na yun eh. 10 years ata tanda sakin nun. Yoko. Pedophile yun eh. Dun na lang ako sa ka age ko hihi.
"Good morning, Ara" bati sakin ni kuya guard nung papasok ako ng building. Ngumiti naman ako at bumati pabalik sakanya.
"Hi ara" bati sa akin ni Claire. Ngumiti naman ako sakanya sabay pasok sa elevator.
O M G
si boss crush kasabay ko! Shet maganda ba ako? Di ba ako mukhang haggard? Naapayos naman ako sa buhok ko nang wala sa oras.
Barbara, inhale exhale. Ayan keri na.
Tumingin ako kay sir boss sabay "Good morning, Sir Shaun" bati sakanya. Di siya tumingin sakin at di rin niya ako binati kaya nanahimik na lang ako habang hinihintay ang elevator na lumapag sa 25th floor.
"Ano oras unang meeting ni kuya" sabi ni boss crush.
"10 am po sir." Sagot ko sakanya. Di naman siya sumagot kaya di na rin ako nagsalita.
Wala pang 5 minutes bumukas na ang elevator sa 25th floor at sabay kaming lumabas ni Sir Shaun.
Habang naglalakad papuntang office ni Sir Jax
"Uh sir Shaun, may kailangan po ba kayo kay Sir Jax? Should I set you an appointment with him?" tanong ko sakanya.
Iniling naman niya ulo niya "Don't bother. I'll just wait for him inside his office" sabi niya.
"Okay po sir" sabi ko sabay bukas ng pinto ng opisina.
Tumungo naman agad ako sa lamesa ko na nasa dulong bahagi ng opisina.
Umupo naman kaagad si Sir Shaun sa sofa na nasa malayong harapan ko.
What a perfect view.
Lord, thank you po sa pahabol na almusal. Busog na busog ako. Sobra hihi.
"Barbara" tawag ni Sir Shaun. Pucha nakakahiya natulala ako sakanya. Sobrang gwapo kasi.
"Ay sir? Bakit po?" tanong ko.
Tumayo naman siya at binulsa ang kamay sa pantalon "I have to go. Angelica's waiting for me at my office. Just tell kuya I dropped by" sabi niya. Tumango naman ako. At naglakad na siya palabas ng opisina.
Angelica Romero, HR Head. Girlfriend ni Sir Shaun.
Hay, Barbara. Hanggang dreamland ka lang talaga kay Sir Shaun.
Pinikit ko naman mga mata ko at nagisip-isip.
_______
Hey, Barbara
a twitter serye
ALL RIGHTS RESERVED 2018
notfckbeya
YOU ARE READING
Hey, Barbara
General FictionBarbara Johann Locson --- a 24 year old woman who works as a secretary at a well known company. She's works for Jax Higaldo, the CEO of the company she's working for. For a long time already, she's been crushing on her boss' younger brother who happ...
