The third article was about the online interview with Glaiza. And it was released in April 26. Sabi niya, ang favorite niyang part sa TRMD ay ang rooftop scene kung saan inamin ni Jade ang nararamdaman para kay Althea. She said that the scene was emotional. When asked who will she chose between her soulmate and her family, there's no direct response from her. In fact, her reply was more of an advise to anyone who will face that situation.

Medyo defensive pa rin ang sagot ni G. And I understand her. She has an image to protect...

No big deal.

Usually, ang interview ay ginagawa sa pamamagitan ng e-mail. Hindi live. Hindi by chat. Hindi by Skype. And obviously, nagpadala lang ng questionnaire ang lalatai.com sa dalawa. Yun lang yon. Hindi kailangang pagsamahin o pagsabayin. There's nothing personal here.

At sa tingin ko, it was done through their mother network. Naka link kasi ang TRMD episodes na nasa GagaOOLala sa lalatai.com.

Ano naman itong GagaOOLala? This is Asia's first LGBT film platform. Isa itong site na parang iflix na pwedeng manood ng movies. Ibig sabihin, there's a business transaction between GMA and GagaOOLala. So, it's about TRMD market. It's about money. At bilang actors ng series, R & G, with the blessings from GMA management, have obligation to respond to the questionnaire.

One good thing that I can imagine here, siguradong nag compare notes ang dalawang bida. It will be read by international readers at dapat na hindi conflicting ang mga sagot nila.

That's it! Basta, nag-uusap ang dalawang 'yan. Yun lang yon. Huwag masyadong nega..


————

IS TOTGA A TRUE TO LIFE STORY

Habang pinapanood ko ang May 1 episode ng The One That Got Away, parang nakikita ko si Glaiza kay Gael. At alam kong 'yan din ang iniisip ng mga 'Old Rebels'; 'yung mga Rebels na nandyan na noon pang 2015. Si Rhian mismo ang nagsabi sa IG Live niya na ang ilang pangyayari sa TOTGA ay true to life o nangyari sa kanya sa tunay na buhay.

Hindi ko makita si J kay Papa G. Honestly, ang nakikita ko kay Papa G (Gael) ay si Papi G.

Para sa mga hindi nanonood ng TOTGA (and I don't understand why they call themselves RaStro Rebels when they are not supporting both shows), Zoe had a scandal. She had nude photos that circulated in social media. Ang mga photos ay pag-aari ng kanyang ex-boyfriend. Sa kabila ng eskandalo, tinanggap pa rin siya ng mga kaibigan niya. Sa kabila ng kanyang nakaraan, minahal pa rin siya ni Gael.

Subalit dahil dito, hindi siya matanggap ng nanay ni Gael na si Aling Patty. Sa mismong harap ni Zoe ay pinamili ni Aling Patty si Gael. The dialogue ran like this:

Aling Patty: Mamili ka Gael. Ako na may sakit at konti na lang ang ilalagi sa mundong ito o ang babaeng 'yan?

Hanggang makaalis si Zoe ay hindi namili si Gael. Wala kasi siyang intensiyon na layuan si Zoe dahil mahal niya ito. Subalit lingid sa kanya ay pinuntahan ito ni Aling Patty para kausapin. Pinapalayo niya si Zoe sa kanyang anak.

Like Rhian, Zoe was selfless. Sinunod niya ang kagustuhan ni Aling Patty para sa kapakanan ng mga taong mahalaga sa kanya. Subalit hindi nakahanda si Gael sa pakikipaghiwalay niya. Para masolusyunan ang problema, niyaya ni Gael na magtanan si Zoe. Ang their conversation was like this:

Gael: Magtanan na lang tayo

Zoe: That can't be

Gael: Bakit

Zoe: Kailangan ka ng mommy mo eh. Kailangan ka ng family mo.


This scene was effectively played by the actors. Ramdam na ramdam. At pakiramdam ko, kay G sinasabi ni Rhian ang mga salitang iyon. Huhuhu! At si Aling Patty ay parang si Nanay C. na tutol kay Rhian.

SoulmatesWhere stories live. Discover now