Chapter 1: It started with......

170K 1.4K 124
                                    

 

IMPORTANT PLEASE READ!

This is a side story of YPOM, story of Micah and Hans.

***

 

 MICAH

"What are you doing here?"

Daig ko pa ang criminal na nahuli ng mga pulis sa pagtatago. Pa'no niya nalaman na dito ako nagtatrabaho? Oo nga pala, para namang hindi ko siya kilala. Kahit saan ako magtago, he will always find me.

"Nakikiusap ako sa'yo. Umuwi ka na. Nag-aalala na ang Mommy mo."

Gustong manlambot ng tuhod ko pag naalala ko si Mommy at ang mga pinagdaanan niya. Pero hindi ako nagpahalata na apektado ako sa sinabi niya.

"Since when ka pa naging concern kay Mommy?"

 "Stop the sarcasm Micah! Wag mong sagarin ang pasensiya ko." pigil ang galit na sabi nito.

That's what I like. Galit pa more.  Kapag nagalit siya nang todo, mas may dahilan akong hindi umuwi sa bahay na 'yun.

"Kahit anong gawin niyo, hindi ako babalik sa bahay na yun."

Kitang-kita ko ang pagtigas ng anyo ng mukha niya at ang pagkuyom ng mga palad nito.

"Wag mo akong subukan. Hindi mo alam kung ano ang kaya kong gawin." banta nito.

Oo, alam ko. Wala siyang hindi kayang gawin. He's Meynard Angeles. Kilala siya bilang King of Travel and Tours sa bansa. And he's my father, unfortunately.

"Do whatever you want. I don't care. Hindi ako natatakot sa inyo!" pabalang kong sagot.

"Wala ka na talagang respeto. " pigil na pigil ang pagtaas ng boses nito.

"Bakit dad? Sige nga, bigyan mo ako ng magandang dahila para irespeto kita." hamon ko sa kanya.

His face turned red. Hah! Gusto ko yan. He's fuming. Gusto kong matawa. Pakiramdam ko nakaganti ako sa kanya kahit sa ganitong paraan lang. Ang galitin siya nang todo. Hindi pa man gumuguhit ang isang matagumpay na ngit sa mga labi ko, isang malakas na sampal ang dumapo sa mukha ko. At napsadsad ako sa sahig sa sobrang lakas nito, na siyang dahilan para makuha ang atensyon ng ilang mga customers sa bar.

"Sige saktan mo pa'ko! Lalo lang nadadagdagan ang galit ko sa'yo. At kahit anong gawin mo hindi ako sasama ako sa inyo." napalakas ang boses ko.

Napatayo na ang ilang customers. At nag-aattempt na lumapit ang guard para umawat pero humarang ang isa sa mga bodyguard ni daddy. Nang magpumilit itong makialam, isang napakalakas na suntok sa sikmura ang nagpatahimik dito.

"Isama niyo yan!" utos niya sa mga ito.

Palapit ang isa sa mga bodyguards niya nang biglang may humarang sa harap ko.

"Subukan niyong lumapit." mahina lang pero madiin ang pagkakasabi niya nito.

Si Hans.

Tumayo agad ako at parang isang batang nakahanap ng kakampi. Nagtago ako sa likod niya. Susugod sana ang isa sa  mga bodyguards ni daddy pero itinaas nito ang kamay niya. At huminto ito. Matiim na pinagmasdan si Hans at lumapit siya dito.

"You don't know what you're getting yourself into young man." sabi nito.

Nagsukatan sila ng tingin.

"I don't need to know. All I know is, you don't have to her." sagot nito

Tumawa nang mahina si daddy.

" Kung ayaw mong masaktan, 'wag ka nang makialam."

Humigpit ang hawak ko braso niya na parang sinasabi ko na 'wag niya akong iwan.

My Part Time Love (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon