Naka-upo na kami ni Jessica sa isang sofa sa gilid ng venue habang nakatingin kay Lyka na ipinapakita kay Teylan ang buong lugar. Subukan mo lang hawakan ang braso ni Teylan ko, lagot ka sa'king silicon ka.

"Easy ka lang girl, baka mamaya magkagyera rito!" sabi ni Jessica at bahagyang tumawa.

"Nako, mapapatay ko siya kapag inagaw niya sa'kin ang Teylan ko." sabi ko at ngumisi.

Lumipas ang oras at inihanda na nila ang mga pagkain, mukhang masasarap ito pero wala akong balak kumain ng mga pagkain na inihanda nitong silicon na ito.

Syempre, hindi ito bukal sa kalooban niya malamang ay may kapalit ito. Kaya mas maganda nang hindi ako kumain kaysa naman isumbat niya pa sa'kin at baka wala akong magawa, baka isuka ko nalang at itapon sakaniya.

Maya-maya'y dumating na ang bisita ni inimbita ni Lyka, wow huh birthday niya? Pero sabagay wala namang ma-iimbita si Teylan dahil wala naman siyang pamilya eh, ako nalang at si Darryll.

Pinagpalit niya rin ng damit si Teylan ng tuxedo habang siya naman ay nakagown, para tuloy kaming mga alipin dito nila Darryll pero sabagay mga maids parin naman kami pero sabi niya day-off muna namin.

Pina-upo na niya ang mga bisita sa kani-kanilang mga upuan. Nakakainis dahil para silang magkasintahan sa kanilang anggulo, nakasukbit pa ang kamay ni Lyka sa braso ni Teylan.

Nakatayo lang kami sa gilid dahil wala naman kaming upuan sabi ni Lyka, mamaya na raw kami kakain kapag tapos na ang party wow lang.

"Uhmm, paki-ayos naman itong lamesa please." sabi sa'kin n'ong babae.

"Hindi po kami staff dito Miss." sabi ni Jessica.

"Sabi ni Lyka, utusan ko lang si Aubrey ata iyon, dahil siya lang daw ang katulong sainyo." sabi n'ong babae.

Nakita kong nakatitig nang masama si Lyka sa'kin kaya sumunod na ako sa gusto no'ng babae. Pagkatapos ko no'n ay mas dumami ang nag-uutos sa'kin, ginawa ba naman akong waiter at assistant ng mga bisita niya.

Kinuha ko ang tray at may laman itong carbonara with baked labster. Dahan-dahan akong pumunta sa lalaking nag-order nito, natumba ako nang biglang may nagpahatid sa'kin. Agad kong tiningnan kung sino ang nagpahatid sa'kin, nakita ko si Lyka na kunwari ay hindi alam ang nangyari.

Natapon ang pagkain sa isang bisita. "Oh My Gosh! Come here bitch!" sigaw niya sa'kin at sinabunutan ako.

"Oh gosh! What is happening?!" sabi ni Lyka.

Hindi ako makalaban, unti-unti akong sumigaw hanggang sa papalakas ito nang papalakas dahilan para tumalsik ang babaeng sumasabunot sa'kin.

Nagulat ako sa pangyayari at napatingin ako sa kamay ko, umiilaw ito. Biglang tumigil ang paligid at hinarap ako ni Teylan sakaniya, "Are you okay?" sabi ni Teylan.

I nodded, "Don't worry they won't remember what they saw." sabi niya at ngumiti.

Living With a Vampire | ✓Où les histoires vivent. Découvrez maintenant