Chapter 13

399 10 5
                                    

Gold's Point of View

Buong araw sa school naninibago parin talaga ako. Grabe naman kasi tong mga students dito sa school hindi ako makapag lakad, gumalaw-galaw, makapag salita ng maayos kasi halos lahat ng mga tingin nila nasa akin. Akala ko tuloy napakadaming dumi ng muka ko. Nakakailang pa kasi tinitignan nila ako ng up & down. Pati sa classroom hindi rin ako makapag relax ng maayos kasi kahit pati mga kaklase ko tingin ng tingin sakin. Kulang na nga lang ata hanggang pag cr ko may cctv na kasama eh para nakikita parin nila ako kahit nasa cr na ako. Sakit narin ng paa ko may paltos na antaas taas naman kasi nitong sapatos e.

Pero sabi nga ni Blue masasanay din ako. Tiwala lng sa sarili ang kailangan ko ngayon. Para rin naman sa ikakaayos ng buhay ko tong ginagawa ko e. Para rin may mapatunayan ako kay Yvette.

-Gold dali na kasi pleaseeee.

-Blue naman ehh. Hndi nga kasi pwede!

-Ngayon lang naman e. Promise

Andito kami ngayon ni Blue pababa ng room namin kasi uwian na. Kinukulit lang naman niya ako. Samahan ko daw siya birthday ng kaibigan niya party party lang daw. Eh wala naman ako hilig dun eh. Ano pa nga ba ang aasahan ko sa party puro sayawan tsaka alak lang ang makikita ko dun pati mga naglalandian.

-Kung yung mom and dad mo problema mo ako magpapaalam sayo! Sumama ka lang please.

-No.

-Eh ano? Sge na kasi pleaseeeeeeeeee.

-Uuwi na ako ng bahay. buhhhhbye!

-Ganyan kaba sa bestfriend mo? :( Hindi mo mapagbigyan ang gusto? huhuhuhu. Sge okay lang!

Naku, Nagdrama nanamanan ang bruhilda. Napakahirap talagang tanggihan nitong babaeng to kahit kailan.

- Ano bayan! Oo na nga sge na! Pasalamat ka bestfriend kita.

-Yehey! thankyou! luvu gold.

- tse! tara na nga.

Hay naku ang hirap pala magkaron ng bestfriend na madrama hindi mo matatanggihan. Sa totoo lang kaya ayoko sumama kay Blue kasi baka mamaya ma out of place lang ako dun sa party. Pero muka namang hndi niya ako iiwan kaya payag na ako samahan siya.

Bago kami pumunta dun sa party ng kaibigan ni Blue dumaan muna kami sa bahay ni Blue para makapag-ayos. Para daw pag dating namin dun kami ang pinaka maganda. Loka loka talaga tong babaeng to. Balak pa atang talbugan ang celebrant. Kung sa bagay ganito na talaga tong babaeng to kaya hindi kona siya masisisi.

-Gold oh magbihis kana! Hiramin mo muna tong damit ko. Hindi ko pa naman nasusuot yan e. Bilisan mo magbibihis at aayusan pa kita.

-Eto?!

Cocktail dress, black siya na may touch na red. Tube sya ang cool tignan. Pero parang nakakahiyang suotin ang ikli naman kasi tapos tube pa.

-Huwag mo na titigan suotin mo na lang. Don't worry halos lahat ng tao dun puro ganyan din ang suot. Masasanay kadin.

-Wala na bang iba? Hindi ako komportable dito e.

-Ano kaba? Sa school natin marami pa tayong events na pupuntahan. Kaya dapat masanay kana.  So please kindly wear this na? *pout*

-Ano pa nga bang magagawa ko? Hindi ka naman matanggihan sa lahat e. Pacute kapa dyan. -.- San cr?

-Pasok ka dyan sa kabilang pinto.

Pagkabihis ko tinignan ko sarili ko sa salamin at ang ganda nung dress bagay sakin. Then lumabas narin ako at bumalik sa room ni Blue. Pagkalabas ko nakabihis narin siya agad. Naka long back naman syang dress na Black na may touch na Silver. At bagay na bagay din sa kanya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 15, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Ms.Class President meets Mr.Trouble MakerWhere stories live. Discover now