“Ah…sige po. Magre-review lang po.” Akmang tatayo na sana siya subalit naramdaman niya ang kamay ni Chino sa kanyang balikat.

“Teka lang, teka lang. Nasosobrahan mo na ang pag-aaral. Kwentuhan muna tayo. Ngayon na nga lang tayo magkukwentuhan eh,” pagdadahilan nito kaya walang nagawa si Mason at nagpakawala ng buntong hininga nang muling umupo.

Pinagdaop naman ni Mark ang mga palad sa ibabaw ng mesa at umusog papalapit. Batid ni Mason na iyon na ang simula ng interogasyon. “So…?” pahapyaw na tanong nito.

“So…what?” pagmaang-maangan si Mase at tumingin lang ito ng diretso sa mga mata ng nakatatandang kuya. Kunwari’y wala siyang alam sa nais malaman ng mga kapatid.

Agad naman itong napalatak. “Come on, Mase. We have all the time to extort information from you. Alam mong hindi ka naming patutulugin hangga’t hindi ka nagsasalita.”

“Ano ba’ng gusto niyong malaman?”pagdidiretso niya sa mga ito.

“Bakit hindi mo sinabi sa aming nagkikita pala kayo ni Louie?”

Muling napabuntong-hininga si Mase. “Kanina lang ulit kami nagkita. Hindi ko alam na nandito na ulit siya.” Kung wala pa siya sa CHK Gym kanina’y malamang na hindi pa niya malalamang nasa Pilipinas pala ang dalaga.

“Oh, eh paanong nangyaring magkakampi kayo sa game?”

 

“Coincidence? May practice kami para sa inter-college compet sa gym nung dumating siya dun,” simpleng paliwanag niya.

“Paano nauwi sa two-on-two?”

 

“Malay ko. May atraso yata ‘yung varsity player sa kanya. Tapos kailangan niya ng kakampi. Ako 'yung tinuro ni Hiro. ‘Di na ako nagtanong.” At hindi na rin nila kailangang malaman ang detalye kahit pa alam niya iyon.

“Dapat tinanong mo. Nandun ka na eh.”

Tinapunan niya ng masamang tingin si Chad. “Hindi ako chismoso.”

“So…anong ginagawa niyo sa ilalim ng akasya?” pag-iiba ng panganay.

“Nagpapahinga. Hinihintay sina Charlotte na makabalik dahil bumili ng pagkain.”

“Wushooo! Nakita ko kaya kayong magka-holding hands,” pag-aakusa ni Chad na nakabalik na mula sa paghuhugas ng pinggang halatang minadali nitong gawin.

“Yon oh! Chuma-chansing si Totoy! Aprub!”

Pinili na lamang niyang huwag magkomento doon. Batid niyang mas lalo siyang tutuksuin ng mga ito kung magdadahilan pa siya. Isa pa, bakit pa niya ikakaila gayong may nakasaksi na pala ng naganap? Mas magmumukha lamang siyang defensive.

From A DistanceWhere stories live. Discover now