PANGALAWANG CHAPTER

Comincia dall'inizio
                                    

"Uy, ikaw yun diba?" sabi na eh. Hays.

"Ah eh oo. Bakit ka lumabas? May pupuntahan ka ba?" tanong ko sa kanya. Ang tsismosa ko na naman.

"Uhm, wala naman. Nakita kasi kita sa labas kaya lumabas na rin ako" sagot niya.

"Ganun ba, aampunin ko na kasi tong pusa eh. Kawawa kasi walang nag-aalaga" sabat ko sa kanya.

"Ang hilig mo pala talaga sa pusa no. By the way, I'm Rachel" pagpapakilala niya sa akin sabay abot ng kanyang kamay.

"Uhm, oo eh. Athena" pagpapakilala ko sa kanya at saka iniabot ang kamay ko. "Gusto mo ba dun tayo sa garden?" anyaya ko kay Rachel.

"Uhm, sige. Usap muna tayo" sagot niya habang nakangiti.

Pinaupo ko muna si Rachel don sa upuan sa may garden dahil maghahanda ako ng juice at Cream-O. Pagkalapag ko ng makakain sa lamesa ay umupo na ako sa tapat niya.

"So, I heard na dun ka pala papasok sa public senior high school?" tanong niya sa akin.

"Ah, oo eh. Bakit? Dun ka ba napasok?" banat ko naman sa kanya.

"Uhm, yes. Gusto mo bang sumabay na sakin sa Brigada?" waaaa! Ang bait niyaaaa. Sana siya na yung first ever bestfriend ko.

"Oo naman. Sa Wednesday yun diba? Anong mga kailangang dalhin?" tanong ko sa kanya.

"Yes, sa Wed yon. Sarili mo lang ang kailangan mong dalhin at lakas" sagot niya naman.

Umandar na naman ang pagkachismosa ko. Biglang gusto kong tanungin si Rachel kung anong nangyari, bakit nila pinagbenta yung bahay? Huhu, forgive me.

"What is it? Itanong mo na" sabi niya sa akin habang tinititigan ako. Wow! Nakakabasa ng naiisip? Charot.

"Rachel forgive me. Pero, bakit niyo pinagbenta yung bahay?" tanong ko sa kanya. Nahihiya ako pero, curiosity kills me eh.

"I knew it", sabi niya habang tumatawa. "I already have the idea na yan ang itatanong mo"

"Sorry ha, ang chismosa ko" 

"It's fine. Actually kaya namin ibinenta ang bahay dahil nabankrupt ang business ng mga magulang ko. Ayaw naming mapalayo dito sa barangay kaya diyan nalang kami nagpagawa ng bahay sa tapat ng bahay niyo. Lahat kasi ng generations sa pamilya namin sa Brgy. Masipag na lumaki" sagot ni Rachel.

"Ah. Hindi ka ba nalulungkot?" tanong ko sa kanya. Ang tsismosa ko kasi kaya ayaw nung ibang maging bestfriend ako.

Napatawa si Rachel sa tanong ko. May nakakatawa ba? Hays.

"Of course nalulungkot ako. Pero madali lang naman magadjust kasi simple lang kaming mamuhay kahit nung dito pa kami nakatira" kita ko sa kanya ang contentment sa kung anong meron siya ngayon.

"Waaa nakakatuwa ka. Ang simple mo", sabi ko sa kanya. Tuwang tuwa ako sa kanya kasi simple lang siyang tao kahit yung itsura niya pang sosyal. "Will you be my bestfriend?" dagdag ko pa. Hindi ko na ito palalampasin pa. Gusto ko talaga siyang maging bestfriend.

"Oo naman. Gusto rin kitang maging kaibigan simula pa nung una kitang nakita. Nakikita ko kasi sayo yung iba kong characteristics" sabi niya nang nakangiti. Waaaa! May bestfriend na ako. "Alam mo ba gustong gusto ko na ring magkaroon ng bestfriend kasi simula nung naghirap kami, nagkandalagas na lahat ng mga kaibigan ko. Ang paplastik" makikita mo na ngayon sa mukha niya ang kalungkutan.

"Wag mo nalang silang pansinin. Toxic sila" napatawa naman siya sa sinabi ko.

"Would you mind if I share my problems with you?" tanong niya sakin.

"Okay lang, feel free to open up to me" sabi ko nang may ngiti sa mga labi. "You can trust me"

"Dalawa lang kaming magkapatid tapos magkaiba pa ng gender. Tapos yung mama at papa ko naman busy kasi naghahanap ng trabaho para mabayaran lahat ng debts namin", malungkot pa rin siya habang nagsasalita. "Never kaming naging close ng kapatid ko. Ewan ko kung bakit malayo ang loob niya sa akin"

"Hindi mo ba siya kinakausap tungkol don?" tanong ko sa kanya.

"I am making a way, pero he is always finding away to avoid me" awww. Kawawa naman si Rachel. Amoy sunog na sinaing, bakit ganun?

"Maaaa! May sinaing po ba tayo? Amoy sunog!!" sigaw ko kay mama.

"Oh my gosh samin yun. Sige bye muna best. Thanks sa time. Kitakits sa brigada intayan nalang tayo" sagot niya habang tumatakbo palabas ng gate ng bahay namin.

-----------------

Magkakasama kami nina Rachel at Lorraine ngayon sa Brigada. Dito kami napaassign sa pagbubuhat ng mga gamit papuntang canteen. Wow trabahong panglalaki!

Nauna akong maglakad kina Lorraine at Rachel kasi inutusan pa sila ng ibang teacher eh. Ang bigat ng bitbit ko. Halos taklob na yung mukha kong bitbit ko kaya hindi ko masyadong nakikita ang dinadaanan ko. 

"Ouch dude!" narinig ko ang boses ng isang lalaki at parang inis na inis siya. E kasi naman, yung laman nung water jug tumilapon sa kanya. What a day!

"Hala sorry! Sorry talaga!!" sabi ko sa kanya.

"No it's fine" sabi niya. Dahan dahan kong ibinaba ang bitbit ko at unti unti kong nakita ang mukha niya. ANG GWAPOOOO!!!

"Ako na ang magbibitbit nan sa canteen. Let me bring it. Samahan mo nalang ako para makapagpapirma ka na" MABAIT!!!! GENTLEMAN!! PWEDE!!!

Gumagana nanaman ang pagkakire mo Athena!

"Uhm, thanks!" sabi ko sa kanya.

"No problem" cold siya pero gentleman.



AABANGAN KITA SA PASUKAN!! GET READY!!

Crush Next DoorDove le storie prendono vita. Scoprilo ora