Biglang tumayo si Lorraine at nagtatawa, "Thanks Athena, liligo na ako. Byeee" pang-aasar niya at bigla nang pumasok ng banyo.

"Kahit kailan ka talaga! Yari ka sa akin paglabas mo!" gigil na gigil kong ibinanat sa kanya.

Naglakad na lang ako papuntang salamin at nag-ayos nalang ng sarili ko. Okay lang kahit ligong uwak ako. Hindi naman yung kung paano ka naligo ang titingnan ng mga tao eh yung itsura mo. Goodluck Lorraine! Ilang minutes nalang at paalis na tayo!

Tapos na akong mag-ayos at kumakatok na si mama sa pinto ng kwarto namin ni Lorraine.

"Hoy kayong dalawa. Lumabas na kayo diyan at nandyan na yung kakaon sa atin para sa paglipat" tawag ni mama sa isang malakas na boses.

"Andyan na po!" sagot ko sa kanya. Si Lorraine nagbibihis palang. Hays, kilos pagong talaga. "Hoy Lorraine tara na", pang-asar na tawag ko sa pinsan ko at saka pinatay ang ilaw at lumabas na ng kwarto.

"Hoy! Pang-asar ka!" galit na galit na sigaw ni Lorraine. Pikon.

Nakalabas na ako ng apartment at nagulat ako nang biglang sumulpot sa likuran ko ang pinsan kong maldita at sinapok ako.

Bakit kaya ganito ang mga kasama ko sa buhay noh? Ang babayolente.

Nakasakay na kami ngayon sa van at sinusundan nito ang truck kung nasaan ang iba naming furniture.

"Oy Athena" tawag sakin ni Lorraine habang nagcecellphone sya. Panira to ng moment palagi eh. Nagmumuni pa ako sa bintana habang tumitingin sa kalsada eh.

Guys, close kami ni Lorraine huh. Mabait naman to kaso sa pagmamaldita idinadaan ang paglalambing niya.

"Ano?" kunot noo kong tanong sa kanya.

"Paano nga pala tayo sa next school year? Balita ko sobrang mamahal ng tuition sa mga schools sa lilipatan nating barangay" wow! Biglang naging curious sa schooling ang bruha. Galing kasi kami sa private school pero di naman ganun kamahal. Kaso may nakapagbanggit na mahal daw ang tuition sa mga private schools ng Brgy. Masipag.

"Aba malay ko. Kay mama mo itanong at yun naman ang nakakaalam" tamad kong isinagot sa kanya at dumungaw na ulit sa bintana.

Nakita ko si Lorraine na umirap nalang sa kawalan at naglaro nalang ng Rush sa cellphone niya. Ewan ko ba kung bakit wala akong pakielam sa grades ko. May pangarap ako pero naniniwala ako na hindi naman numbers ang basehan para matawag kang matalino at magaling, nasa mga natutunan mo yun.

-------------------

"Waaah nandito na tayo" bigla akong nagising nang sumigaw na parang may amplifier sa lungs ang pinsan ko. Kahit kelan basag trip talaga to.

"Ano ba yan ang ingay mo naman" reklamo ko sa kanya.

"Sorry ha na'excite lang" banat niya naman.

Bumaba na ako sa van at pagkatingin ko sa bahay, WOW!! Sobrang ganda!! San to galing?! Mygaaaash!!

"Hoy Lorraine tara sa loob magtour na tayo" excited kong sabi,

"Taraaaa!!!" sagot ng pinsan ko at hinila na kaagad ako papasok ng bahay.

Ang ganda. 2 floors ang bahay at modern ang disenyo nito. Magaganda ang tiles na inilagay at may apat na kwarto. Yung isa master's bedroom, yung isa naman guest room at ang dalawa ay pangkaraniwang kwarto. Malawak ang bawat kwarto. Katumbas ng isang kwarto sa bagong bahay ay dalawang kwarto na sa apartment namin noon.

Maganda rin ang salas dahil halos kumpleto na ang paglalagyan mo ng tv, speakers, sofa, at marami pang iba. May gym room at practice room din ang bahay. Malawak din ang garden at may mga damo na kung saan pwede mong pagtambayan. Waaaah! Naiisip ko na pwede kaming magtayo ng tent ni Lorraine dito!

Masasabi kong magiging masaya kami sa bahay na ito base sa mga nakikita ko ngayon. Ipinagbenta kay mama ang bahay pero hindi ko alam kung sino. Worth it ang presyo na 300,000 para sa bahay na ito. Nakapag-ipon na sina mama at papa para talaga sa bahay kasi sayang. Ang ganda ganda pa naman. Narinig ko nung nagvivid call sila, mayaman daw ang may-ari ng bahay na ito pero naghirap kasi nabankrupt yung negosyo nila kaya ipinagbenta na. E nagkataon, kumare ni mama yung kapatid nung may-ari at alam nun na naghahanap sila ng bahay. Ang tsismosa ko ba? Sorryyyy.

"Ma, Lorraine, dun lang ako sa garden" pagpapaalam ko kay mama at kay Lorraine na nagluluto sa ngayon. Tinatamad akong magluto kaya hindi ako tumulong. Ako nalang ang maghuhugas ng pinggan mamaya.

Nasa garden ako at may nakita akong isang bahay na kasinglaki ng apartment namin. Maganda rin ang disenyo nito at mukha namang maykaya ang nakatira dito.

May nakita akong aso na akmang aawayin yung pusa dun sa may gate ng bahay na yun kaya naman binato ko yon gamit ang kahoy na katabi ko. Success kasi lumayo yung aso pero nakakahiya kasi tumunog yung gate nang malakas.

"Ano yuuun?!" lumabas ang isang babae na halos mukhang kasing edad ko lang na gulat na gulat.

"Ah. Ako yun. Sorry haaaa" sigaw ko para marinig niya ako.

"Ah ikaw pala. Sige ayos lang yun. Sige pasok na ako ha. May ginagawa pa kasi ako eh" sagot niya sa akin at pumasok na ulit sa loob.


Hindi manlang nagalit yung babae. Ang ganda niya, pati mukhang mabait. Sana maging kaibigan ko siya.

"Hoy Athena, wag kayong masalaw ni Lorraine ha, yung bahay diyan na malapit satin. Sila yung dating may-ari nitong bahay. Kumilos kayo na mukhang karapat-dapat na pagbentahan nila. Wag kayong kakaras karas kumilos." banggit sakin ng nanay ko. "Pumasok ka na at kakain na"

Patayyyyyy!

Crush Next DoorWhere stories live. Discover now