-----

23.3K 290 3
                                    

"Totoo ba na may nangyari na sa inyo ni Kael?" pasigaw na tanong ni Anton.

Nanlaki ang mata ni Faye at di makasagot na lalong nagpainit ng ulo ng kausap.

"Tinatanong kita! Bakit di ka makasagot?!" muli ay sigaw nito sabay pisil sa braso ni Faye.

Di alam ni Faye kung maiiyak ba sya o matutuwa sa tanong ng boyfriend niya. Sa wakas ay kinakitaan n'ya ito ng selos. Ngunit selos nga kaya ang nararamdaman nito? O tama ang sabi ng mga kaibigan n'ya na sex lang ang habol nito sa kanya tulad ng ex boyfriend n'yang si Kael. At na kaya ito nagagalit ay dahil di s'ya ang makakauna sa kaniya.

Gusto n'yang sagutin ang tanong nito ngunit natakot sya. Dahil buong akala n'ya ay tanggap siya ng lalaki gaya ng sinabi nito at wala itong pakialam sa pinagdaanan n'ya. Pero sa inaasta ngayon ng kasintahan ay mukhang mas naniniwala pa ito kay Kael at sa mga kwentong pinakakalat nito. Bumagsak na ang pinipigil niyang luha kasabay ng pagbagsak ng pag-asa niya na mahal nga din siya ni Anton gaya ng pagmamahal niya dito.

Naked TruthWhere stories live. Discover now