Nakakayamot din pala yung kinokontrol ka ng magulang mo. Yung tipong hawak na nila yung mga kailangan mong gawin tas lagi ka nilang minamanduhan.
Idk why, bat sila ganon. Eto ako ngayon pinalipat nanaman nila ng school nakailang ulit naba ako lumipat? Diko na mabilang.
Hindi ko alam kung bakit nila ako pinapalipat. Basta kung saan sila masaya don ako, ang gusto ko kase is yung mapasaya sila kahit na ako ang nahihirapan.
"Maam, andito napo tayo" sabi sakin ng driver na seryosong nakatingin sa labas. "Sige po salamat po manong" sabi ko.
"Maam teka lang po" habol sakin ni manong bago ako pumasok sa school. "Maam di na nga po pala kayo uuwi sa bahay kase po may dorm napo dyan". Hindi nako nagulat eto ang gustong mangyari ni mommy at daddy.
Ok eto ang gusto nilang mangyari ang makulong ako sa school ok.
Habang naglalakad ako diko maiwang hindi mailang sino ba naman hindi maiilang? Lahat ng mga babae at lalaki dito is naghahalikan yung iba naman tumitigil tas titingin sakin.
Actually, anganda naman dito maayos walang kalat pero andaming mga malalandi?
Nang nakarating nako sa principal's office ay may binigay syang card at numero nang dorm ko.
Mukhang mapapagod ako neto dahil 4th floor pa ang dorm ko. Habang papalapit ako ng papalapit sa elevator is diko maiwasang hindi tumingin sa paligid.
Ang tahimik, bukod don parang may nagmamasid sakin? o guni guni ko lang yon? Guni guni lang. Pagkapasok ko sa elevator parang nag-iba nanaman ang pakiramdam ko. Weird.
Hanggang sa tumigil na ang elevator para talagang may nakamasid sakin.
Hindi ko nalang binigyan ng pansin nagaaksaya ako ng oras pagkapasok na pagkapasok ko dinaan ko agad ang patungong higaan.
I just want to rest. rest. nang may biglang kumatok agad akong nagpunta sa pinto "Maam eto napo ang hapunan ngayon" sabi ng babae. Mukhang sya ang nagdadala ng mga pagkain bawat dorm.
"Sige salamat po" sabi ko sa babae ng may ngiti sa labi nagugutom na din kase ako. Pagkatingin ko sa oras ay 8:00 na oras na nga ng kain ko.
Pagkatapos kong kumain nanood nalang ako ng TV hanggang sa inantok nako. Hindi kona din alam kung anong oras nako natulog. Nakakayamot naman ang ingay ingay naman sa labas.
Parang mga estudyanteng nage-exercise
oh sht, nakalimutan kona nasa dorm pala ako wala ako sa bahay.
Pagkatingin ko sa bintana andamin nila infairness tyaka anong oras naba? Nagulat ako ng pagkatingin ko sa orasan is 10:00 na omg late na ata ako sa klase ko.
Bukas nalang ako papasok, sasabihin ko nalang is tinanghali ako ng gising dahil yon naman ang totoo.
Kumain nalang ako ng kumain hanggang sa hindi kona kayanin. Siguro lumabas muna ako? para naman makahalubiro ko sila kahit papano.
Pagkalabas ko, pumasok agad ako sa elevator at shocks may tao na dati ako lang mag-isa ngayon nasa 4 sila puro babae at mukhang mababait mukhang mga ka 4th floor ko lang ang mga ito.
Habang sila ay naguusap usap ako naman to na ang tahimik sa isang gilid nag-aantay bumukas ang elevator. "Hello!" sabi nong isa sa mga babae. Ako ba ang sinasabihan nya? Or iba?
"Wag kang magtaga, ikaw ang binabati ko" sabi nya. Lumingon naman ako sa kanila wow nakatingin sila sakin ng may mga totoong ngiti.
"H—hi?" sagot ko nalang. "Ikaw pala yong sinasabi nilang bago. Nice to meet you!" ang joyful nya. "Nice to meet you too" eto namang isang to mukhang pilit lang.
"Nice too meet you too" nakangiting sabi neto aww ang cute nya taba ng pisngi. Yung isa sa kanila ayaw magsalit at nakatutok lang sa librong binabasa, its ok.
Pagkabukas ng elevator, umalis ka-agad ako don bago pa ako malabas ng building ng dorm may sinabi pa sila sakin.
"Ingat ka ah, wag kang magpapagabi baka maabutan ka nila" sabi nong may hawak na libro. Nginitian ko nalamang sya.
Bat bawal magpa-gabi? At sino ang baka maabutan ako? Hindi ko nalang inisip at naglakad lakad nalang.
Ang ganda dito, kumpara sa mga napuntahan kong school na may dorm.
and sinong maabutan ako? mga patawa. habang naglalakad ako diko maiwasang tumingin sa likod ko coz parang may nakamasid kahit wala naman. Another guni guni.
Mukhang magdidilim na, kelangan ko na atang bumalik ng dorm habang palakad ako ng dorm nakarinig ako ng isang babaeng parang nag-mamakaawa.
Ayoko namang madamay pa sa gulo ng babaeng yon, kaya't sinilip ko nalang nanlaki ang mata ko nang nakita kong binubugbog sya.
Hindi naman ako yung tipo ng tao na manhid masakit yon bugbog na bugbog na yung babae kase naman ayaw ko nang madamay pa sa mga gulo dito pero nasasasaktan yung babaeng yon kelangan ko syang tulungan.
Habang nahihirapan na sya kakabugbog ng mga taong yon nag-iisip naman ako ng paraan kung paano ko sya tutulungan nagmamasid ako baka may saka sakaling makatulong sakin
DU LIEST GERADE
School Affair
Jugendliteraturᴀɴ ᴏʀᴅɪɴᴀʀʏ sᴄʜᴏᴏʟ, ᴡʜᴏ ʜᴀᴠᴇ ᴍᴀɴʏ ᴀғғᴀɪʀs. ᴍᴀɢ ᴍᴀɢᴅᴀᴅᴀʟᴀᴡᴀɴɢ-ʙᴜᴡᴀɴ ɴᴀ ᴀɴɢ ᴍᴀɢᴋᴀsɪɴᴛᴀʜᴀɴ ɴᴀ ᴇᴜɴɪᴄᴇ ᴀᴛ ᴛᴇʀʀᴇɴᴄᴇ ɴɢᴜɴɪᴛ sᴀ ʜɪɴᴅɪ ɪɴᴀᴀsᴀʜᴀɴɢ ᴘᴀɢᴋᴀᴋᴀᴛᴀᴏɴ ɴᴀʜᴜʟᴏɢ ᴀɴɢ ʟᴏᴏʙ ɴɪ ᴛᴇʀʀᴇɴᴄᴇ ᴋᴀʏ ᴋᴀɪʜʟᴀʜ.
