Prologue

27 3 0
                                        

2 years.

2 years na ang lumipas.

And finally, nakapunta na rin kami dito sa Japan! Luckily, pumayag na ang parents ko na sundan si Althea dito. Pati na rin ang parents nina Freya and Zero.

Kanina ko pa nga sila gustong batukan e. Picture ng picture sila! Baka gusto nila akong tulungan na hanapin ang apartment ng girlfriend ko?!

Si Kent naman, nauna na dito sa Japan. Sabi na nga bang bad idea talaga na paunahin yung lalakeng yun dito e. Iyan tuloy! Nawawala kami ngayon!

"Uy, teka. Tama ba 'tong dinadaanan natin?" Tanong ni Freya.

Napakamot ako ng ulo sabay sagot ng, "I don't know."

"What? Are you serious?"

"I'm dead serious, Freya. Tulungan niyo kaya ako dito," sabi ko.

"Why don't we ask for directions? Siguro naman, may nakakaalam nun," suggest ni Zero.

"Marunong ka bang magsalita ng Japanese?" Tanong ko.

Napakamot siya ng ulo. "Ayy, yun lang," sagot niya. Freya rolled her eyes.

Maya-maya pa, may nakita kaming lalakeng napadaan. Hindi kami nagdalawang-isip na lapitan siya at magtanong.

"Excuse me," sabi ko pagkalapit ko sa kanya.

Tumingin siya sakin at tinanggal ang earphones sa tenga niya. "Yes?"

Napahinga kami ng maluwag nang marinig namin itong mag-Ingles.

"Do you know where is this place?" Tanong ko sa kanya at pinakita ang address ng apartment ni Althea.

"Ah, yes. I know where it is. I can bring you there if you want."

Napangiti ako. "Please do, umm..."

"My last name is Satou."

"Ah, Satou-san. Please do."

Sumunod kami sa kanya. Si Freya, panay picture pa rin. Bahala na siya. Basta ako, I'm so excited na makita ang girlfriend ko!

Pinagpalit na kaya niya ako sa mga fictional characters niya? Alam kong nauna sila pero 'wag naman sana.

"We're here."

Napatingin kami sa napakalaking building kung saan kami tumigil. Wait, is this an apartment? Wow.

"Thank you so much, Satou-san." sabi ko sa kanya.

"You're welcome. I also live nearby so it's not a problem. If you have any questions, you can approach me anytime." Nakangiti niyang sagot.

"Yes, we will. Thank you!"

Pumasok na kami. Para pa kaming ewan kasi 'di ka kaagad makakapasok without a card. Mabuti nalang at may tumulong samin na babae na makapasok.

"Ang gwapo nung Satou nuh?"

"Hoy, Freya. 'Pag narinig ka talaga ni Kent, siguradong magb-break kayo agad. 3 days palang kayo hindi nag-uusap, naghahanap ka na ng iba." sabi ni Zero.

I agree. Isip ko.

"Oyy, hindi naman! Nagwa-gwapuhan lang. Syempre, mas the best pa rin yung boyfriend ko nuh!" Depensa niya.

Aysus.

Di nagtagal, narating din namin ang apartment ni Althea. Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko. Nanginginig ang kamay ko habang nagdo-door bell.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto. Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pinagpapawisan ako ng malamig. Kinakabahan na nae-excite ako.

And finally, bumungad sakin ang mukha ng taong matagal ko nang gustong mayakap at mahalikan. Nakangiti siyang nakatingin sakin at halatang nagulat sa pagdating namin.

Nagkatitigan kami ng ilang segundo. At bigla nalang...

"SILVEEEEER!"

________________

To be continued.

________________

So, yeaaah. Thanks for waiting! Napahaba yata prologue ko XD na-excite lang coz may naghihintay pa pala ng update. I'm so damn happy!

Please don't forget to vote and comment. And also, I'm sorry for being inactive. Nag-focus na ako sa cosplaying ko huhu

And if it's okay, please do follow my Tik Tok account. Well, bagong bago palang yun hehe.

Tik Tok: Jhela Daligdig

Thank you so much! 💙💙

Tu as atteint le dernier des chapitres publiés.

⏰ Dernière mise à jour : Jun 20, 2018 ⏰

Ajoute l'histoire à ta Bibliothèque et tu seras prévenu des nouveaux chapitres !

His Otaku Girlfriend (in Japan!)Des histoires addictives. Découvrez maintenant