"Oh tol kadarating mo lang saan ka pupunta?" Tanong ni tonton.

"Wait bro, dyan ka lang, may nakita akong anghel baka sya na magdadala sakin sa langit"

"Babae na agad ang nakita! Yeeeehaaaaa!!!!" Sabay sigaw at balik ni tonton sa dance floor na sumasayaw na parang nagwawala.

"Hey, can i buy you a drink?" Sabi ni lance sa nilapitang babae.

"Sure." Tugon ng babae. Halata mong maharot at malandi talaga ang babae. Red mini skirt and super crop top at 5 inches stiletto.

Umorder si Lance sa bartender.

"2 shots of tequila please. One is for me and the other one is for this lovely lady beside me"

Ngumiti si babae at namumulamula, halatang kinilig. Ang sarap sampalin.

"Hahahaha, matamis ang dila mo ha, mukha bolero ka mister?"

"Lance. Lance Smythe"

"Hi Lance, I am Ellen, Ellen Kaye."

"(Punyemas! Parang ALLAN K. lang ang tunog ng pangalan.)" sabi ni lance sa sarili nya.

"Anyways, Lance, what do you do for a living?"

Bumulong sa sarili. "(Ayun mukhang sosyal naman magsalita, panget lang ang tunog ng pangalan) well i am a professional photographer. Here have a look, i caught you on my camera, you are angelic."

" wow, thank you. Stolen shot ha! Hahaha"

"So, ALLAN K, i mean Ellen Kaye..."

"Just call me E.K" sabay smile ng pa tweetums.

Bumulong ulit sa sarili si Lance. "( kanina tunog komedyante, ngaun naman theme park? EK!?? Namputcha ENCHANTED KINGDOM? Anu sya Roller coaster? Kung di lang sya maganda iiwanan ko na ito) Ah, ok EK. So, how about you? What do you do?"

"Well I am a model"

"Wow that's nice maybe you and I can work together. Do you have a manager?"

"None. I am a FREELAUNCHER."

BOOM!!! Muntikan maibuga ni Lance ang iniinom nyang alak sa mukha ng babae.

"(FREELAUNCHER???? SERYOSO???? YUN ANG SABI NYA!? Eh kung i-Launch ko sya sa kalawakan?! Maganda lang pero mukhang mahina ang utak! Contain yourself Lance kaya mo ito.)" sabi ni Lance sa sarili nya habang pinipilit lunukin ang alak na ininom at huminga ng Malalim.

"You wanna dance?" Niyaya ni ellen si Lance.

"sure! (Mas ok pa sumayaw na lang kesa makipagusap)"

They squeezed into the middle of the dance floor and danced like there is no tomorrow.

Tumabi si Tonton at bumulong kay Lance.

"Anu tol!? Panalo ba?"

"Naku tol yung itsura pasok sa grand finals, yung utak kahit sa audition di matatanggap."

Sabay nagtawanan sila ng malakas.

"Hey, what's funny?"

"Nothing sobrang saya lang talaga! Hahahaha"

Tuloy ang sayawan. Harutan at landian. They are even kissing in the middle of the dance floor. Ellen is grinding and making the sexiest move na kaya nya para ma-impress si Lance.

"Whoa!!' That is really hot honey!"

"Who's honey? I'm not honey , i'm ellen!"

"(Ay bobo talaga) i mean you, my honey, ellen."

"Ah ok." Tuloy ang giling.

Lagpas 2:00 a.m. na. Mukhang pagod na sila sumayaw.

"Halika upo na tayo" sabi ni Lance.

Nahalata ni Lance na pagewang gewang na lumakad si Ellen.

"What's wrong?"

"Lasing ako." Sabi ni Ellen.

"(Lasing? Eh isang shot lang ng tequila ang ininom mo? Kung di pa nga kita nilibre di ka ata makakainom?)"

"Halika hatid na kita."

"No!!!" Nandilat ang mata ni ellen.

"Why?"

"Malayo yung sa amin. I want to go with you."

Malanding babae, nag lalasing lasingan. Paraparaan din eh. Makuha lang ang gusto. Aarte at aarte.

"Sure!" Tugon ni Lance. Pabor
sa kanya yun.

Sumama si Ellen kay Lance.

*******************
DONT FORGET TO VOTE AND COMMENT.
FOLLOW ME ON TWITTER AND INSTAGRAM @chadkinis

THREE ANG GULO [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon