A Place In Time - Chapter 7 (1)

4.9K 45 0
                                    


Nagsususpetsa pa ako nung sinabi niya na siya daw ang pwedeng maging date ko. Parang hindi kasi kapani-paniwala. Siya kasi yung nagpasimula ng pustahan tapos ngayon siya pala ang walang date. Este ako rin pala. Anyway, sino namang maniniwala kaagad 'di ba? Kaya nga nung sinabi niya yun eh nakatingin lang ako sa kanya as if may sakit ba siya sa utak."Huwag mo nga akong tignan ng ganyan!" sabi niya dahil nairita na yata sa pagtingin ko sa kanya, "Hindi ka dapat tumitingin sa tao ng ganyan. That's so rude."At binigyan pa ako ng lessons kung ano ang rude sa hindi! Eh bigyan niya kaya ng lessons yung sarili niya! Mas mukhang kailangan niya nga kaysa sa akin!"Bakit ba ang sungit-sungit mo para tinitignan ka lang? Masama na ba tumingin ngayon???""You don't stare at people like that!!" sinigawan naman niya ako."Bakit mo ko sinisigawan???""Nakakainis ka kasi masyado! Hindi ka na lang umoo para tapos na!"tapos na!"Napansin yata ni Tjay na hindi pa kami nakakaalis eh nagbabangayan na kami ng Kuya niya. 15 na ako, at si Terrence eh 15 na rin. Mag-16 naman na siya. Syempre mas matanda siya ng isang taon dahil nga 4th year na siya. Pero wala namn siyang karapatan na sigawan ako 'di ba?Actually hindi naman ako galit sa kanya. Natatawa pa nga ako sa mukha niya kapag galit siya eh. Hindi ko nga napigilan, tumawa na lang ako."Ano namang nakakatawa?!?" napansin naman niya ako. Tawa pa rin ako ng tawa nun."Wala. Nakakatawa kasi yung mukha mo kapag galit ka."


----


To continue reading, follow my account to view the rest of the stories! Thank you!


A PLACE IN TIME: CHAPTER 7Where stories live. Discover now