"Ate!"
"Psst! Ate!"
"Grabe naman suplada ni Ate!" dinig kong sabi nung babae na nasa likod ko.
I tried looking around me to see kung sino ba yung tinatawag nya. Pero wala namang tao anywhere dito sa hallway ng school besides me and this girl.
Here we go again. Yet another victim. Hays. This happens all the time yet hindi ako masanay.
I looked back to see the girl trying to call me.
"Uhhh, sorry ha. Ako pala tinatawag mo. Di ko naman alam" then nag smile lang ako and napakamot sa ulo ko.
"Duh! Girl, tayo lang naman ang tao dito sa hallway noh! Echosera ka alam mo yun?" sabi naman nya with matching irap pa and that super maarte na pagsasalita.
"Anyways, I was trying to get your attention kase may nagpapabigay neto sayo" sabay abot saken ng isang maliit na paper na may isang rose na kasama.
Omg. Kanino naman kaya galing 'to?
"Haba ng hair mo girl ha! Ikaw na ikaw na! Pogi kaya nag bigay nyan! Sikat yun dito sa school eh pero sabi nya sakin na wag na wag ko daw sasabihin sayo kung sino sya. Grabe! Swerte mo teh!!" tas si ate naman e kilig na kilig don at kala mo ay maiihi na.
"You got it all wrong. Baka hindi 'to sakin. Uhh. Let's just put it this way. I. Uhm. I am not this "ate" you're thinking about" tapos napansin kong napakunot yung noo nya.
"Okay. You see. I'm a boy" tapos kitang kita ko ang pagkagulat ni ate nung sinabi ko yun kasi napatakip pa sya sa bibig nya.
"You mean...omg I am so sorry! Akala ko babae ka! Ang cute mo kasi para maging isang lalaki! Shocks! Oh my gosh kuya I am so sorry!! Kasi naman bakit ba hindi pinag susuot tayo ng uniform sa school na 'to! Omg sorry talaga po!" tapos napatungo na lang si ate sa sobrang hiya nya sakin.
"Uy okay lang. Ano ka ba naman! Sanay na ako jan. Simula palang bata ako, akala nilang lahat ay babae ako. Wag ka mag alala! Uhh oh siya sige una na ko. Tapos heto pala yung note saka yung rose. Baka makita mo yung nagbigay nyan. Ibalik mo. Sabihin mo na lang na hindi mo nahabol yung pagbibigyan nya na tao" tapos sabay balik ko sakanya nung paper and nung rose and tumalikod na ko at naglakad na ng mabilis kase I am running late for my next class.
By the way, my name is Mitch. Mitchell Gonzales. 19 years old. 3rd year Accountancy student dito sa East Valley University. One thing interesting about me is that everyone thinks that I'm a girl when in fact I am not. What so special about me is that I am a gender fluid. I am not gay nor I am straight. Come what may nga siguro pero most of the time ay more of feminine side ako since namulat na ko sa lifestyle na everyone treats me like a girl kasi even my family kaya Mitch ang binigay na name sakin ng parents ko, akala talaga nila mismo na babae ko tapos I am not that healthy when I was young. Super fragile and masasakitin kaya super care ang ginagawa ng family ko sakin kasi bunso ako. I am from a well off family. I only have one kuya na super astig at barako pero super maalaga pag ako na ang pinag uusapan. I have normal friends. Normal everything. Androgynous ako kaya everyone is confused. But no, I am not a transgender. Not even planning to be one. Petite na katawan kaya lalong mas nacoconfuse ang mga tao. Shoulder length hair na pang kpop ang style at androgynous din ako magdamit kaya lalo silang nacoconfuse.
Si ate kanina? Isa lang sya sa mga nabiktima ko. Very weird nga lang at may binigay sya sakin kanina from an unknown person. Which leads me about my idea of love. To be honest, I am seeking for love. I want to know the feeling of being inlove pero hindi ko naman talaga sya priority pero gusto ko na talaga maexperience. Ang gulo ko ano? Parang personality ko lang. Hahahaha!
Dito pala sa school ko, kahit catholic school sya, open sya to all. Golden rule is no discrimination. Ang mahalaga is makakabayad ka and magiging good student ka sa school. No uniforms dito so kahit anong suot go lang basta disente.
Well you'll know more about me sa mga susunod na chapters since kwento ko naman 'to. For now, I have to go to class. May quiz kami sa accounting huhu sana makapasa ako!
ESTÁS LEYENDO
The Pretty Boy
Novela JuvenilThis is a story about an androgynous boy na seeking to have someone na magmamahal sakanya pero hindi nya alam na nakita na sya ni Love before pa nya makita ito.
