"I'm sorry."

Napalingon ako sa tinig na aking narinig. It's the angel earlier. He's here again.

"I-ikaw?" anong ginagawa niya dito? Sinusundan niya ba ako?

"Kasalanan ko, I'm sorry." malungkot na sabi niya sa akin. Nakayuko lang siya.

Ayan na naman siya. Nagsosorry na naman siya for no reason.

"What are you saying? Hindi kita maintindihan."

Unti-unti niyang iniangat ang kanyang ulo. Itinuro niya ang loob ng aming bahay na agad ko namang tiningnan.

Nakita ko si Mama na umiiyak sa tabi ng isang coffin.

Natigilan ako at biglang kinabahan. Who could be in that coffin?

"Ma-" tatawagin ko na sana si Mama pero bigla na namang nawala ang aking tinig.

"Don't try calling them, they won't hear you."

Muli ko siyang nilingunan. Nagsimula nang mamuo ang luha sa aking mga mata.

"B-bakit?" mangiyak-ngiyak kong tanong sa kanya.

Lumapit siya sa'kin and his wings embraced me. Ramdam ko ang lamig ng kanyang katawan.

Wala na akong ibang nakita kundi purong liwanag. Ilang sandali pa ay napunta kami sa lugar na pinanggalingan ko kanina.

Napatakip ako sa aking bibig.

"This is what happened earlier today." sabi ng anghel na ngayon ay katabi ko.

Nakita ko si Mama na patawid ng kalsada. Sa kanan niya ay nakita ko ang isang train na paparating.

"Maaaaa!" nakita ko ang isa ko pang sarili na tumakbo papalapit kay Mama at itinulak ko siya.

Sobrang bilis ng mga pangyayari. Maging ang lahat ay nagulat.

"Lara!"

Nag-iiyak si Mama habang gagapang gapang papalapit sa aking katawan na nakahandusay sa gitna ng kalsada.

Hindi ko na napigilan ang pag-agos ng aking mga luha.

"I'm sorry."

Napatingin ako sa anghel na aking katabi. Nakatungo pa rin siya. Naalala ko yung mga katagang sinabi niya kanina.

I'm your former guardian angel.

Humarap ako sa kanya at sinuntok suntok siya, "Baaaakit?!" patuloy pa rin ang aking pag-iyak. "Di ba sabi mo guardian angel kita? Bakit mo 'ko pinabayaan?!" Hindi ko magpigilan ang hindi siya sisihin.

"I-I'm sorry." Hindi niya magawang tumingin sa akin.

Iyak pa rin ako ng iyak.

Paano siya naging guardian angel kung ang pagbabantay lang sa akin hindi niya magawa ng ayos?

Ang dami ko pang gustong gawin. Ayoko pang mamatay! Ayoko pang iwan si Mama at si Hana, hindi pa ako nakakahingi ng tawad sa kanya.

"L-lara."

"AAAAARGH!"

Muli akong napahawak sa aking likuran. Ang sakit, sobrang sakit.

The pain in my back that I'm feeling is getting worse.

Hinawakan ako ng anghel na aking katabi. Muli ay inilabas niya ang hourglass na nakita ko kanina.

"Magiging ayos din ang lahat." kalmado niyang sabi sa akin.

I can't ease the pain. Ang sakit sakit na talaga.

Ano bang nangyayari sa'kin?!

Muli akong napasigaw sa sakit, God, help me!

Maya-maya pa ay naramdaman ko na lang na may lumabas mula sa aking likuran.

And for one last time I screamed at the pain. Sobrang sakit na talaga. Hindi ko na kaya.

Muling nabalot ng liwanag ang paligid.

Nakita ko ang aking nakaraan. Mula sa aking pagsilang hanggang sa aking paglaki. These are the happiest memories na hindi ako magsasawang balik-balikan.

"It's time."

Hinawakan ng anghel na kasama ko ang aking kamay. At kasabay nang pagpatak ng huling butil ng buhangin sa hourglass na kanyang hawak ay iminulat ko ang aking mga mata.

Napalitan ng isang puting dress ang damit na suot ko kanina. Ramdam ko rin ang hanging dala ng pagpagaypay ng pakpak sa aking likuran.

The pain has ended and I'm freed from sorrow.

"You're now an angel." he said at sabay kaming naglakad sa hagdan, paakyat papunta sa langit.

One thing I learned in life is that we are only given one chance to live so you better enjoy every moment. Live each day as if it were your last cos you'll never know when your time is up.

Sa ngayon ay sobrang gaan na ng aking pakiramdam. Alam kong hindi pa rito nagtatapos ang istorya ng aking buhay, bagkus ito ay simula pa lamang ng lahat.

*WAKAS*

That AngelWhere stories live. Discover now