"Aaargh!" muli ay napahawak ako sa aking likuran. Ito na naman yung sakit na kanina ko pang nararamdaman. Ang sakit na kanina ko pang iniinda.

Kailangan ko na talagang makauwi. Baka maghihintay na rin sa akin si Mama. Ayokong nag-aalala siya sa akin.

Tatlong kanto lamang ang layo ng aming bahay mula sa aking pinagmulan. Kung sanay kang maglakad ay kaya ng lakarin.

Medyo malapit na ako sa aming bahay nang makasalubong ko ang aking best friend. Mukhang galing siya sa amin.

Nakatungo lang siya at tila ba umiiyak. Sandali-bakit siya umiiyak? Is it because of me?

Yes, I remember. My best friend and I had a fight at halos mag-iisang linggo na kaming hindi nag-uusap.

Sa totoo lang ay nagsisisi na ako sa mga nangyari. The fight we had is about a guy that she really likes na ayaw ko naman para sa kanya.

The guy has the looks. He's also quite popular. Okay naman sana siya but the thing I didn't like about him is that he's an easy go lucky. Based on my observations ay hindi siya seryoso sa buhay at hindi pa matured mag-isip. For short, hindi siya pasado sa standards ko for my best friend.

Magkababata kami ni Hana at ayokong mapunta lang siya sa gano'ng klaseng lalaki. She's worth having a man than a popular kiddo na sobrang pa-cool lang. That is why last week, when she told me na sasagutin na niya si guy at sinabi kong hindi ako boto, pinapili ko siya between our friendship and the guy she likes-- na pinagsisisihan ko at dapat ay hindi ko ginawa.

Dapat naging masaya na lang ako para sa kanya. Dapat sinuportahan ko na lang siya. Nagsisi ako. Sobrang nagsisi ako nang papiliin ko siya.

I was hurt. Nasaktan ako ng sobra nang piliin niya ang lalaking yun over me.

We're best friends since we're little kids at hindi ko akalaing ipagpapalit niya ang friendship namin for that guy.

Alam kong para sa iba ay sobrang liit lang ng pinag-awayan namin pero para sa akin ay big deal 'yon.

And now, maybe it's time to apologize. I'd been somehow so selfish, but I don't want to lose my best friend because of that selfishness.

Parang kapatid na ang turing ko sa kanya and seeing her like this breaks my heart.

"Ha-" tatawagin ko na sana siya sa kanyang pangalan nang mapahawak ako sa aking lalamunan.

"Ha-" I was stuck frozen.

Bakit gan'to? Bakit walang boses na lumalabas sa bibig ko.

Sinubukan ko siyang tawagang muli pero wala pa rin. Wala pa rin talagang boses ang lumalabas sa akin.

Nakahawak pa rin ako sa aking lalamunan trying to figure out why all of a sudden ay hindi ako makapagsalita.

I tried to clear ny throat but it's no use. Bakit sa lahat pa ng oras ay ngayon ako napaos?

Hanggang sa hindi ko nalamayang nalampasan na niya pala ako.

"H-hana." I tried to speak one more time and there my voice is back again.

Nilingunan ko siya para habulin, but it's too late. Nakasakay na siya.

"I'm sorry." bulong ko sa aking sarili at naglakad na lang pauwi.

Napangiti ako nang makita ko ang gate ng ang aming bahay. At last, I'm home.

Pumasok ako sa loob at nagulat ako sa aking nakita.

Sobrang dami ng tao. Ang iba ay mga kamag-anak pa namin na matagal na panahon ko na mula nung huli kong makita.

A-anong ginagawa nila dito at-bakit sila umiiyak?

That AngelWhere stories live. Discover now