Hahawakan na sana niya akong muli but I insisted not.

"H-huwag. P-please. Huwag mo akong hahawakan." iiling-iling kong sabi. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako mapalagay.

Sobrang bigat ng aking pakiramdam. I really feel so unease.

Parang kanina lang bago kami umalis ng Mama ko sa bahay ay normal pa ang lahat. Normal, na ang tangi ko lamang nakikita ay ang mga bagay na nakikita ng mga pangkaraniwang tao pero ngayon ay iba na ang aking pakiramdam. I feel like hindi na ako isa sa mga taong nandito.

"Naiintindihan kita, alam kong naninibago ka lang. Gan'yan din ako nung una." sabi niya na parang alam na alam niya ang pinagdadaanan ko.

Hindi ko alam kung ano ang mga pinagsasabi niya. Ang tangi ko lang gustong gawin ngayon ay ang makauwi at makatakas mula sa kanya.

Napailing ako.

Paano kung naghahallucinate lang ako? Paano kung ang lahat ng ito ay hindi totoo?

Nagpasiya na akong maglakad papalayo sa kanya, pretending that I didn't see him.

Sinampal sampal ko pa ang sarili ko ng mahina. Hindi ito totoo. Nananaginip ka lang--

"Lara."

Kinilabutan ako nang tawagin niya ako sa aking pangalan.

Paanong--kilala niya ako?

Ramdam ko ang kanyang pagsunod kaya naman mas binilisan ko pa ang aking lakad.

"Alam kong mahirap tanggapin pero kung ako sa'yo, hindi na ako uuwi." sabi pa niya.

Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob to stop from walking. Nilingunan ko siya. Ano bang sinasabi niya?

Magsasalita na sana ako nang muli siyang magsalita, "Huwag ka ng umuwi."

I looked straight into his eyes, "At bakit naman hindi? Sino ka ba para pagsabihan ako?"

Napabuntong hininga siya, "I'm your former guardian angel, Lara." he said.

For a second ay natahimik ako. He's my former-what?!

"Aaaargh!" ito na naman ang sakit. Bigla bigla na lang umaatake.

Muli akong napahawak sa aking likuran. Siguro ay dahil lang ito sa pagkakahiga ko kanina.

"I'm sorry. Ako ang may kasalanan." malungkot na sabi niya sa akin. Nakayuko lang siya sa aking harapan.
Naguguluhan ako. He's been saying weird stuff since I saw him.

Ano ba talagang nangyayari at ano ang mga pinagsasasabi niya? Kasalanan niya ang ano?

"Ano ba ang sinasabi mo?" medyo inis na tanong ko sa kanya.

Sa halip na sagutin ay lumapit siya sa akin. Hinawakan niya ang aking noo. Ipinikit niya ang kanyang mga mata na para bang may vini-visualize siya sa kanyang isipan. Ilang sandal pa ay iminulat niya rin ang kanyang mga mata.

"You don't even know yet?" gulat na tanong niya sa akin.

"Know what?"

From being surprised ay napaltan ng lungkot ang kanyang mukha.

Ano ba yung hindi ko pa nalalaman? May kailangan ba akong malaman

"I'm sorry."

And those were his last words.

Matapos niyang sabihin ang mga salitang 'yon ay bigla na lang siyang lumipad, palayo.

Naiwan akong mag-isa sa daan. And I can't help but to think, ano ba yung hindi ko pa nalalaman?

That AngelTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon