Chapter 2

19 3 0
                                    

[DOWOON'S P.O.V] 


Nagising ako sa ingay na nanggagaling sa TV at ingay galing sa labas. 


"H-hyung?" tawag ko kahit kanino. hindi ko maigalaw ang ulo ko sa sobrang sakit. Maski ang mga mata ko hindi ko pa maidilat. 


Ano bang nangyayari?


"Oh God! Finally, you're awake!" rinig kong sigaw ni Jae hyung. Unti unti kong dinilat ang mga mata ko. Nakita ko si Wonpil Hyung, Sungjin Hyung at Jae hyung na nakasoot ng hospital gown tulad ng suot ko. Meron din silang iilang galos sa katawan nila gaya ko. Ano bang nagyari?


"Hyung anong nangyari? At saka asan si Brian Hyung?" naguguluhang tanong ko. 


"Na-aksidente tayo." malungkot na sabi ni Wonpil hyung.


"H-ha?" Naguguluhang tanong ko. "Panong nangyari? Bakit hindi ko alam? Kelan pa?" tuloy tuloy na sagot ko. 


"You were asleep for 1 and a half day! Nung nakaraang gabi, merong rumaragasang van ang nabundol natin." bulong ni Jae hyung.


"Natin? Kamusta yung mga tao sa kabilang van? Wala bang nasaktan sa kanila? Panong tayo ang nakabundol?" 


"Nag-overtake si Brian at di niya namalayan na may van pala sa kabilang lane. Mabuti nalang at walang nasaktan sa kanila." sagot ni sungjin hyung.


Nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto namin. Merong tatlong na kama na magkakalapit at sa tingin ko kama nila hyung iyon. 


"teka, bakit kayo lang ang nandito? Asan ba si Brian hyung pati si manager hyung?" 


"Si manager, inaasikaso lahat ng mga dapat asikasuhin samantalang si Brian..." hindi na maituloy ni Sungjin Hyung yung sasabihin niya. 


"Comatose siya." sagot ni Jae hyung.


"A-ano? B-bakit?" naramadaman ko ang init sa gilid ng mga mata ko.


"Napuruhan ang ulo niya dahil wala siyang suot na seatbelt nung na-aksidente tayo." sabi ni Wonpil Hyung.


Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko dahil sa mga narinig ko. 


"Asan na si hyung? Gusto ko siyang puntahan." 


"Hindi pa pwede, kalat pa ang mga reporters sa labas. Hintayin muna nating humupa itong issue na ito. We also need to assure our fans that we are safe." sabi ni Sungjin hyung.


"Pero si Brian hyung?"


"Magigising siya, sabi ng doctor malaki ang possibility na magising siya. All we need to do is to wait." mahinahong sagot ni Jae hyung.

Good Night BrianTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang