Namatay na si Wade pero ewan ko sakanila kung nag-away ba talaga sila or nagtitigan lang tapos bigla nalang tatalsik si Teylan or di kaya si Wade.

Para silang tangang nag tititigan tapos nag-aaway na pala sila. Baka sa imagination? or Staring contest pala ang nilalaro nila?

Teylan snapped his finger at bigla nalang sumabog ang buong siyudad ng Derfodaroragon.

"Basic." sabi ni Teylan at tumawa.

"Maka basic ka, hinayaan mo ngang kunin tayo at dalhin dito." sabi ko.

"I'm clever, hindi ko naman hahayaan iyon kung alam kong hindi ako makaka-attack." sabi ni Teylan.

"Tara may-i-aanounce ako sa Hogin." sabi ni Teylan.

Pagkarating namin do'n parang walang tao, tapos sira-sira iyong mga bahay, napakunot kami ng noo ni Teylan at dumiretso sa palasyo. Patay lahat ang mga guard.

Bigla kami nag teleport kung nasaan si Darryll, he......he's.....entangled.

Naka hubad ang itaas niya at andaming vines ang nakatali sakaniya na animo'y isa siyang gagamba.

Nakapikit siya at walang malay, Tinaas lang ni Teylan ang kamay niya at tinutok kay Darryll. Biglang nagising si Darryll at parang nalunod siya dahil huminga muna siya ng malalim bago tuluyang huminga ng normal pero hinihingal parin siya.

"Heront." sabi ni Teylan.

"Anong harot?" sabi ko.

"Sila ang may gawa nito." sabi niya.

"'Yong mga mahaharot?" sabi ko.

"Haront Aubrey, hindi harot." sabi niya.

Bahagya kong tinupi ang labi ko at tumawa ng mahina. Napatingin ako kay Darryll dahil bigla nalang siyang nalaglag mula sa mga vines.

"Haront nga ang mga gumawa kuya." sabi ni Darryll.

"Sira na ang Hogin." sabi ni Teylan.

"Hindi na tayo ligtas dito, kahit ayusin ko ito hindi na maaring bumalik pa ito sa dati." sabi niya.

Pumikit siya, "Anong ginagawa muu!" sabi ko.

"He's making a multi force field barrier sa puntod ni Mama, na siya lang ang kaya makatanggal no'n." sabi ni Darryll.

Tumango tango ako, Nang dumilat si Teylan ay tumingin siya sa'kin. "Pupunta tayo sa mundo ng mga tao." sabi ni Teylan.

"Doon tayo maninirahan." sabi ni Teylan.

He spinned his finger one time kaya pumikit na kaming tatlo, pagkadilat ko nasa gitna kami ng kalsada at may truck na dadaan.

Kaya tumakbo kami agad sa gilid, "Wow nice teleport Teylan huh, naka alis nga tayo sa Hogin papasagasa mo naman tayo." sabi ko.

"Malay ko ba." he pouted.

Pero handa ba siyang iwanan ang Hogin? Pati ang mama niya ay iniwanan niya.

"For now, humanap tayo ng matutuluyan." sabi ni Teylan.

"Sa bahay ko!" sabi ko.

Pero paglingon ko sa paligid, hindi ko alam kung asan kami. Kasi naman itong si Teylan kaasar.

"Hawakan mo ang ulo ko at ipakita mo sa'kin ang itsura ng bahay mo." sabi niya.

"Anong ulo? Sa taas o sa baba?" sabi ko.

He laughed, "Baliw ka talaga." sabi niya kaya hinawakan ko na ang ulo niya.

Maya maya nalang ay and'on na kami, pero nagulat ako nang nasa labas na lahat ng gamit ko. Gosh! Pinalayas nako.

"Gusto mo patayin ko may-ari nyan?" sabi ni Teylan.

"Ipaalala mo na kay Darryll lahat ng alaala niya sa mundo nato." sabi ko.

Tumingin ako kay Darryll, topless parin pala siya. Unti-unting hinawakan ni Teylan ang ulo ni Darryll.

Pumikit silang dalawa, Darryll is groaning na parang may iniindang sa'kit.

Tiningnan ko ang langit, mukhang uulan ata.

"Bilisan niyo letche! sisilong pa tayo." sabi ko.

After 15 minutes natapos narin sila pero basa na ako sa ulan letse I mean kaming tatlo.

Sumilong kami at binuksan ko ang maletta ko, Binigyan ko ng towel si Darryll.

"Ako wala?" sabi ni Teylan.

"May powers ka naman eh, magpalit ka nalang ng damit mo." sabi ko.

"Nakakagulat na bigla kong naalala lahat, pati iyong feelings ko sa'yo." sabi ni Darryll.

Kaya natahimik kaming tatlo, nako mukhang wrong move ata na pina-aalala namin sakaniya.

___

Living With a Vampire | ✓Where stories live. Discover now