"I see." Kumatok siyang muli sa pinto at hindi na ako pinansin ulit.

"Teka! Ikaw? Kaano ano mo siya?" Pinilit kong humarang sa pinto para ako naman ang tingnan niya.

"None of your business." Masungit niya nanamang sagot.

What is it with this guy? Parang hindi siya tinatalaban ng charms ko? And hello? Hindi niya ba ako kilala? May facebook, twitter at instagram ba siya?

"So, di mo talaga ako natatandaan? From last night?" Tanong ko ulit.

Mas busy siya sa pag katok sa pinto ni Clint kesa kausapin ako.

"I do. You're that flirt that made out with me last night." Walang emosyong sagot nito.

Grabe ah! Flirt talaga?

"You liked it naman diba?" Kindat ko sa kanya.

Bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang bagong gising na si Clinton. Gulo gulo ang buhok niya at naka sando at boxers lang.

"Yeah right, akala ko ba 2pm? Eh di mo pa nahihilamusan 'yang panis na laway mo oh!" Turo ko sa gilid ng labi niya kahit wala naman talaga siyang panis na laway.

Hinawakan niya ang gilid ng labi niya. Eh wala naman talaga kaya tiningnan niya nalang ako ng masama. Bumaling siya kay hot stranger at nag apir sila.

"Pasok ka, pre." Nilakihan ni Clint ang bukas na pinto.

Tingnan mo 'tong walang hiyang pinsan ko. Ako ni hindi man lang inalok? Eh kanina pa ako nandito ah. Inis akong pumadyak at wala nang nagawa. Huli na akong pumasok sa unit ni Clint.

Dumiretso sila sa office ni Clint kaya sumunod nalang din ako. Nakaka wala kasi ng mood. Parang kahit anong gawin ko ay hindi ako ma tipuhan ng gwapong stranger na ito and I still don't know his name until now!

Umupo si Clint sa office chair niya at umupo ako sa issng couch katapat ng uupuang couch ni stranger! Aha! Wala siyang choice ngayon kundi makita ang maganda kong mukha. Inayos ko ang naligaw na buhok sa mukha ko at inipit sa tenga ko. Duh! The art of seduction.

Seryoso lang naman niya akong tiningnan. Iyong tipong tingin na nakakapaso? Alam ko hiniling kong tingnan niya ako pero gosh! Ako pala ang hindi makakatagal sa mga titig niya. Naputol ang pag titinginan namin nang tumikhim si Clint.

"I assume, magkakilala na kayo?" Nagtaas siya ng kilay.

Ako na ang sumagot.

"I introduced myself to him pero mukhang ayaw niyang magpakilala sa akin. You do it." Tinaasan ko rin siya ng kilay.

Humalakhak si Clint at umiling.

"Really, dude? First time mo atang tumanggi sa babae." Pilyong nginisihan ni Clint ang stranger.

Umismid lamang siya at hindi sumagot.

Seriously? Hindi naman siya pipe! Pero bakit ang tipid tipid niyang magsalita? Bumaling sa akin si Clint.

"Anyways, Tosca this is Scorpion. Scor for short." Pakilala niya.

"Wait? Scorpion? As in 'yung hayop?" Confused na tanong ko.

"Yep. As in hayop." Muling humalakhak si Clint at sumandal sa kanyang office chair.

What a weird name! Pero bagay naman sa kanya ang pangalang Scorpion. Ang behavior niya kasi ay parang behavior ng totoong alakdan. 'Yun bang iisting ka kaagad kapag ininis mo siya? Basta napaka sungit ng aura niya!

"Why is she here, Clint? I thought we're talking about business here?" Masungit niya nanamang sabi.

Nag relax siya sa couch at sinandal ang ulo niya. Ang haba din ng legs niya sobra! Ang tangkad niya kasi eh. 5'5 ako pero hanggang balikat niya lang ata ako.

The Things I Hate About YouWo Geschichten leben. Entdecke jetzt