Chapter 6

45 2 0
                                    

Yoona's POV

Nandito ulit ako sa kwarto ko. Umiiyak at umiiyak parin. Napatigil ako sa pag-iyak ng makarinig ako ng sigaw.

"Chanyeol!" Huh? Bakit nila sinisigaw pangalan ni Chanyeol? At bakit parang may boses ng mga lalaki?

Nagulat ako ng may kumatok sa pinto ko. "Mommy Yoda! Mommy Yoda!" Boses bata iyon. Teka, Mommy Yoda?

Lumapit ako sa pinto at binuksan iyon may nakita akong isang toddler na sobrang cute. I really love kids though!

Lumuhod ako para magkasinglebel kami. Ngumiti naman ito. "Mommy Yoda!" Sabi niya at niyakap ako. Napaiyak akong niyakap pabalik ang bata. Kumalas siya sa pagyakap. Tinignan niya ako and he cupped my cheeks. "Mommy, don't cry. It hurts me.when you cry" Sabi niya at pinunasan ang mga luha ko gamit ang maliliit niyang hinlalaki. Nilagay niya ang dalawang hinlalaki niya sa gilid ng labi ko and he stretched my lips to form a smile. Napangiti nalang din ako. "There, Mommy. You look better when you smile"

"Chanyeol! My gosh! Bakit ang bilis mo?" Rinig kong tanong ni Sooyoung eonnie. Napatingin ako sa kanila at ganun din sila sa gawi namin. Nakita kong kasama na nila ang EXO.

"Chanyeol? Hindi naman dumaan si Chanyeol dito" Sabi ko at ibinuhat itong cute na cute na bata.

"Nandito siya, eh" Sabi ni Sunny eonnie.

"Nasaan?" Tanong ko.

"Buhat mo po, eonnie" Sabi ni Seo.

Napatingin naman ako sa buhat ko. Isang bata na ngumingiti ng malapad. Tinignan ko sila. "Age changing?" Tanong ko.

Tumango naman sila. "Paano niya nalaman?" Tanongni Baekhyun.

"Siya lang naman ang tumawag sa Suju nung lahat kami ay nag-age changing na" Sagot ni Taengoo.

...

Nandito kaming lahat sa sala. Pinatulog ko naman si Chanyeol at ayaw niyang sa sofa gusto niya ay buhat ko siya. Kaya he is sleeping in my arms.

"So, ibig niyong sabihin ako ang mag-aalaga kay Chanyeol?" Tanong ko.

"Oo, eonnie. Aalis daw kami muna hanggang sa maging normal na ulit si Yeol Oppa. Doon lang muna kami kina Sehun. Kayo na lang ni Yeol Oppa ang maiiwan dito. Pero huwag kang mag-alala, eonnie. Bibisitahin ka namin dito" Tumango naman ako sa sinabi ni Seo. Lahat sila ay naka-empake na at malapit ng maghahatinggabi. Kinuha na din ng EXO ang mga gamit ni Chanyeol.

"Sige, Yoong. Aalis na kami, ah? Mag-ingat kayo dito" Sabi ni eonnie at lumabas na sila. Buhat-buhat ko si Chanyeol habang ni-lock ko ang pinto ng condo.

Nilagay ko muna si Chanyeol sa sofa dahil kailangan ko ng kumain. Hindi pa kasi ako nakakain, eh.

Kumuha ako ng isang pack ng oreo at nagtimpla ng gatas. Habang nagtitimpla ng gatas ay nagulat ako ng may dalawang kamay ang nakahawak sa bewang ko.

"Wife, give me some, please?" It sends shivers throughout of my body. Lumingon ako sa kanya.

Sinabihan na nila ako na magiging 27 years old si Chanyeol at nag-bet pa sila na clingy ito at tama nga sila. Clingy nga siya.

Ngumiti ako, "Okay" Sabi ko at nilagay ang isang pack ng oreo sa counter at gatas. Umupo naman siya sa isang stool. Tumalikod ako at magtitimpla ulit sana ng gatas ng tinawag niya ako.

"Wife, let's share, okay?" Tanong niya napakagat ako ng labi at ibinalik ang kinuha kong baso at umupo sa harap niya. Kumakain kami ng oreos pero hindi ko kayang tumingin sa kanya. He looks so hot and I admit he is handsome. Ilan kaya ang abs niya? Urgh, Yoona! Nakakahiya! "Wife, am I that irresistible?" Tanong niya at hindi ko namalayan na sa kanya pala ako tumitingin.

Lim Yoona!

Umiwas ako ng tingin at naramdaman kong umiinit ang pisngi ko. "H-Hindi, ah" Bakit pa ako umuutal?

He chuckled. Ang sexy. Kyaah! Yoona, huwag kang mahawa kay Yuri eonnie! "Finish up, wife. You need to rest" Sabi niya kaya mahina akong tumango pero nakayuko ako. Nahihiya ako sa kanya. Ganito pala ang isang Park Chan Yeol kapag may asawa. "Hey, wife. Look at me" Mahina kong inangat ang ulo ko at sa pag-angat ko ng ulo ay ang pagdampi ng isang labi sa noo ko. Nakita ko ang pagngisi niya at ang naramdaman ko ay ang pag-init ng mga pisngi ko.

Agad kong tinapos ang pagkain ko at mabilis na inilagay sa sink at hinugasan ito at pinatuyo.

Mabilis akong naglinis sa mesa upang makalayo. At nang matapos ako mabilis akong naglakad palabas ng kusina ngunit napasigaw ako bigla akong binuhat ni Chanyeol ng bridal style.

"Aahh!" Ngumisi naman siya sakin. Ang sexy! Ano ba, Yoona!

"Let's go" Sabi niya at lumakad. Ngunit ng nasa sala palang kami ay biglang siyang nag-age change bilang 18 years old. Nakita ko ang gulat sa mukha niya at kahit ako ganun din. Pero ang mas ikinagulat ko ay ang pagbitaw niya sakin.

"Aahh!" Sigaw ko at nahulog ako sa sahig. Ouch! Ang sakit ng pangupo ko.

"Shit! Bakit ba kita binubuhat? Nagpabuhat ka 'no? Tsk, asan kwarto mo?" Tanong niya.

"S-Sa pinakadulo. Doon ka na matulog sa kwarto nalang ako ni Taengoo eonnie matutulog" Sabi ko at mahinang tumayo. Kumapit ako sa coffee table at umupo ako sa sofa. "Ang sakit" Bulong ko. Napalakas nga talaga ang bagsak ko. Matangkad siya kasi.

"Uhm, s-sorry" Narinig kong sabi niya at umiwas ng tingin.

Napangiti ako sa sinabi niya ngunit napangiwi ng maramdaman ko ang sakit sa pangupo ko. "Sige na, m-matulog ka na" Sabi ko.

"Paano ka?" Napatingin ako sa kanya at ang mga tingin niya ay nasa sahig.

"O-okay lang ako, sige na" Sabi ko at nakita ko siyang tumango at pumunta na ng kwarto ko. Nang maramdaman kong wala na siya doon na ako nagreklamo. "Aray ko, ang sakit. Mommy, pakitulungan niyo naman ako" Sabi ko at mahinang tumayo at kumapit sa sofa habang mabagal na lumalakad papuntang kwarto ni Taengoo eonnie. Sa kanya kasi ang pinakamalapit. Kumakapit ako sa dingding dahil masakit pa rin ang pangupo ko. Nang nasa tapat na ako ay ipinihit ko ang doorknob ngunit lock iyon. "What?" Tanong ko at sinunud ang lahat ng mga kwarto ng mga eonnies ko. Last ang kay Seo, pagpihit ko ay lock din. Kung minamalas ka nga naman, oh!

Pumunta ako sa isang mini cabinet sa may sala may nakita akong comforter doon. Kinuha ko iyon at inayos ko ang higaan ko sa sofa. Pinatay ko lahat ng mga ilaw at pinaandar ang isang ilaw na dim. Humiga na din ang ako sa sofa at natulog.

Taming the Bad BoyWhere stories live. Discover now