ᴘᴀʀᴀ sᴀ'ʏᴏ

26 4 1
                                    

❛ PARA  SA  'YO ❜

❝Wala nang mas sasakit,
Sa mga salitang mong nang aakit,
Na muli kang balikan,
At muli kang halikan,

Wala nang mas sasakit,
Sa puso kong kinintalan ng kakaibang gimik,
Gimik na tila ako'y hinihipnotismo,
Na muling magpakatanga sayo,

Wala nang mas sasakit,
Sa mga ginagawa mong nakakakilig,
Na binibinigyan akong pag asa,
Na sa pagkakataong ito'y totoo na ang iyong nadarama,

Ikalawang pagkakataon?
Na ano?
Na saktan ako?
Na paikuting muli ako?

Ikalawang pagkakataon?
Para sa"yo?
Para sa sarili mong ikakasaya?
Para sa sariling kagustuhan?

Wala nang mas sasakit pa,
Sa katotohanang wala na kong maramdaman pa,
Para sa'yo.❞

_

Antok na antok na siguro ako kagabi at hindi ko naidagdag ito hahahahaha.  Act din ata to e. Not sure kase, ayan na naman si kwit hahahahaha. Kagaya din ito nung Kulang kase broken pa din ang heartue kue nun e hahahahaha.

Poetries (Pieces Of Words #1)Where stories live. Discover now