00- Introduction

18 0 0
                                        

Omo, Hi? Welcome? Hehehehe. Siguro bored kayo kaya napadpad kayo dito sa walang kwentang kwento na ito. Dahil jan *Tarantantanantan* para hindi masayang ang effort niyong tumingin dito. Magkwe-kwento nalang ako. And guess what? I'm gonna tell you my first love experience *pirepampam*

Yes! My first love experience *ehem ehem* Hindi na ako magpapaligoy pa kaya imaginin niyong mabuti ang sasabihin ko, oryt?

Oryt!

Once upon a time there was a pri--- joke lang. Hindi naman ako prinsesa kahit na mukha akong ganun chaaaaar. Ito na, ito na talaga *inhale* *exhale*

Isang araw, natanggal ako sa ika-labinglima kong trabaho kaya na-depressed ang ate niyo. Naglakad ako nun at napadpad sa isang lumang tulay. Huminto ako at tumingin ilog. Sa mapayapang ilog. Maganda ang panahon nun at gumaan ang pakiramdam ko. . . . kaya lang humangin ng malakas tapos ang panyo na hawak ko bigla kong nabitawan. Mahalaga ang panyong 'yon kasi bigay 'yon ng mama ko. So, si ategirl napanganga nalang habang pinapanood anurin ang panyo sa ilog. Tapos. . . . biglang may dumating na knight and shining ar--- este may sumigaw na lalake mula sa likod ko.

"Hoy miss, wag kang tatalon!"

Nagulat ako syempre nun. Ano pa nga bang reaksyon ko? Lumingon ako sa likod tapos napanganga ako sa kagwa--- hindi pala. Medyo nawierdohan ako sa sinabi niya.

"Ano?!"

"Wag kang tatalon. Sandali lang lalapit ako jan!"

Mas lalo akong naweirdohan sa kanya. Nasa kabilang side siya ng tulay. Nakasout siya ng roller skate. Lumapit siya sa akin nang bigla siyang natapilok at lumanding sa akin! As in, magkayakap kami!!!!!

Luma na ang harang at kinakalawang na ang sinandalan ko kaya nasira ito at sabay kaming nahulog sa ilog.

Tapos. . .


sabay na. . .


din kaming . . .


nahulog. . .



sa isa't-isa.



At dun nagsimula ang first love experience ko.

"Aries."

Bumalik ang katinuan ko sa world at tumingin kay Erwan na seryosong nakatingin sa akin. Hala! Sheeez, nakalimutan kong nasa harap ko pala siya!

Lumuhod siya sa damuhan at hinawakan ang kamay ko. Anong kaeng-engang 'to? Djk lang.

"Aries," tawag niya.

"Aries," tawag niya ulit.

"Aries," tawag niya na-- ano bang sasabihin niya?!!

Ibubuka ko sana bibig ko nang magsalita na naman siya.

"We've been dating since you broke up. Aries, can. . . . you be mine now?"




And yeah, unluckily we failed holding each other's promises.


++

I'll write this in inappropriate way kasi I want this to become my chilling hommie hahaha lol.

The BridgeDonde viven las historias. Descúbrelo ahora