Prologue

54 9 11
                                        

The scariest part of a movie happens not when you're watching it,
but when you're in bed thinking about it.
------
********


Pagtataka ang sumilay sa'king mukha ng mapagtantong ito nga ang

'Milford Village'..

...Ngunit ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit sa halip na mga nagtataasang gusali ay mga nagtataasang punong kahoy lamang ang mahahagilap mo sa sinasabing milford village na ito.

Bukod,. sa sobrang dilim sa lugar na ito ay idagdag mo pa ang mga ungulan at ingay ng mga mababangis na hayop ....

...sa gitna ng kagubatang pinagmamasdan ko ngayon na talaga namang magpapatindig ng balahibo sa buong katawan mo.

Dahan-dahan akong humakbang palayo sa lugar na ito..
dahil hindi...hindi ito ang...
'Milford Village'.

Nakakailang hakbang palang ako ng hindi ko inaasahang may mababangga akong tao sa aking likuran

At ng lingunin ko ito nasilayan ko ang isang maawtoridad na lalaki base na lamang sa paraan ng kanyang pagkakatindig .

Maamo ang mukha nito at bagay na bagay dito ang kasuotang niyang itim na tuxedo .

"Ikaw ba si Laurelia Elisse Montefiore?Ang nag-iisang anak ni Laura at Aurelius Montefiore?"magalang nitong tanong.

" A-ako nga po. Paano niyo po ako nakilala at ang aking mga magulang?"nag-aalangan kong tanong dito.

Seryoso ako nitong tinignan at sinabing.....

"Ako si Yael Castillo.Sumabay ka na sakin.Dadalhin kita sa pupuntahan mo."

Tanging pagtango nalamang ang aking naging tugon at nagmadali na akong sumakay sa itim na sasakyan na medyo may kalumaan na.



***
Sa gitna ng mahabang paglalakbay at katahimikan sa pagitan ko at ng lalaking nagngangalang Yael na kasalukuyan ngayong seryosong nagmamaneho ng sasakyan...

..At sa mga oras na ito..madaming mga katanungan na tumatakbo sa aking isipan.

Kagaya na lamang ng...
'Saan kami pupunta?'

..Pero kung ako ang tatanungin malamang sa malamang ay papunta kami sa isang lugar sa.. magiging bagong mundo ko.

Pinagmasdan ko ang mga kapaligirang aming dinadaanan.At sa mga oras na ito isa lang ang nararamdaman ko...
'PANGINGILABOT'

Siguro'y kailangan ko na ring masanay sa bagong mundong tatahakin ko. .

kailangan ko na ring masanay manirahan sa isang lungsod na malayo sa mga nagtataasang gusali.

Isang lungsod na wala kang ibang madadatnan kundi ang mga nagtataasang puno.

..Wala ka ding ibang maririnig kundi mga malalagong ungulan ng mga mababangis na hayop na pakiramdam mo'y nasa paligid mo lang ang mga ito.

Ni sinag ng araw ay wala ka ring maaninag sa lugar na ito.

Lugar na tila binabalot ng mga kakaibang pangyayari.

Isang lungsod na... tila mo'y maraming mga sikreto ang nakatago.

At higit sa lahat isa itong lungsod na tila.....'may kakaiba'.

Ngunit sa kabila ng lahat ng ito hindi mo mapagkakaila na ibang iba ito kumpara sa lugar na kinalakihan ko.

Sobrang tahimik at payapa ng lugar na ito kumpara sa maingay at malaiskwater na lugar kung saan ako lumaki.

Ako si Laurelia Ellisse Montefiore.
Nag-iisang anak ng yumaong sina Laura at Aurelius Montefiore na isa sa pinakamayamang tao sa buong bansa.

Pitong taong gulang ako ng walang awang pinatay ang aking mga magulang ng mga sinasabing mortal nilang kaaway sa kompanya.At kinamkam ang yaman na pinaghirapan ng aking mga magulang.


Labing pitong taong gulang na ako ngayon.At ito ako ngayon naghahanap ng trabaho matapos palayasin ng pamilyang hindi na ako kaya pang buhayin.Naiintindihan ko naman sila dahil sa hirap ng buhay nila dagdag hirap pa ako.

Kaya naman nandito ako...naligaw sa mundong ito upang patuloy.....


lumaban sa bawat hamon ng buhay.


*****
@Allrightreserve2018
Written by:ReidenAsh

House of MysteryStories to obsess over. Discover now