Chapter 35 ♥

2.9K 57 9
                                    

Mika's pov...

happy 6th months to this undercover job! and happy first Monthsary sa amin ng Oil ko. ihhh... parang kailan lang, nung mag simula ang lahat.

sino ang mag aakala na sa paghahanap ko ng istorya, mahahanap ko ang taong magpapaibig sa akin.

Its been a month, kahit medyo hirap kami dahil patago, maayos naman ang relationship namin. kahit may ilang adjustments sa pagitan namin, sinisigurado namin na sweet padin kami sa isat isa. kung may tampuhan man na mangyari, hindi namin hinahayaan na matapos ang gabing yun na, magkaaway kami.

regarding naman sa story na niluluto ko, ayun.. ganun padin sila. pero sa pag oobserve ko, nung mga nakaraan, parang may hindi sila sinasabi sa amin. hindi ko alam pero parang may mali.

naku! hwag naman sana, mangyari ang hinala.ko'ng tumigil na sa panliligaw si thomas. kundi, Goodbye carrer na ako.

" pagod na masyado? " nakangising sabi ni pamela. nandito kasi ako sa office ngayon.

dahil kasi sa pag alis namin ng madalas nung mga nakaraan, nakahalata na si maam susan at sinabihan akong hwag naman madalas na mag off. naintindihan ko naman ang gusto nya ipahiwatig kaya naman, ngayon lang ulit ako nagpaalam. syempre, baka tanggalin ako bigla no!

" kakayanin!" i said as i deep sighed. susko naman kasi! ngayon ko lang nararamdaman ang hirap ng idea na naisip ko 6 months ago.

"  ayan kasi! una landi kesa trabaho!" pang aasar ni pam na nakaupo na sa upuan sa harapan ng table ko.

" gaga! kilala mo ako, never akong natambakan ng trabaho! NGAYON LANG! " pinagdiinan ko talaga ang word na yun.

" paano ba naman kasi, hindi ko na malabas ang ipad ko sa gabi, si Ara kasi madalas mag puyat. kapag tinatanong ko naman kung anong problema, lagi lang nya sinasabi na WALA! " sabay tingin kay pam tila problemado ako.

" poor baby!" pang aasar sa akin ni pamela .

" teka ano na nga pala  ng nangyayari sa kanila ni thomas?" biglang tanong sa akin ni pam. hay, this time sasabihin ko na sa kanya ang mga naoobserve ko.

" pam, actually, hindi ko na alam kung anong meron sa kanila. kapag kinakausap ko si Ara, lagi lang nyang sinasabi na Friends muna sila ni thomas, pero i had this feeling na, tumigil na si thomas sa panliligaw. damn! kapag nagkataon, goodbye career na ako! " sabay tungo sa table ko, im so frustrated sa mga nangyayari. kung alam ko lang na eto ang kapalit ng pag kakaroon ng love life, sana pala sinabi ko nalang na after 10 months saka ko sya sasagutin.

i heard pam laughing. baliw lang! nahihirapan na ako tapos pagtatawanan lang ako. kamusta naman yun. promise, naiinis ako!

" shut up pamela!" sabay bato ng ballpen sa kanya.

" bakit ba?. masama ba ang tumawa ngayon?" habang nagpipigil sya ng tawa.

"  Oo , lalo na kapag imbyerna ako sa mga tambak na trabaho at sa story na hindi ko alam kung may pupuntahan." pataray kong sagot sa kanya.

she just smiled at me and said " okay lang yan dear mika! im sure mas sisiskat ka after ng anniversary natin." sabay bato ulit sa akin ng ballpen.

" Oo sisikat talaga ako, lalo na kapag na headline ako. yung tipong AUTHOR NA  SI SANDAEDATE , GOODBYE CAREER NA! " sabi ko na parang may hinahawi sa hangin.

again pam was laughing at me. grabe lang talaga to'ng babaeng to. kung di ko lang to mahal malamang naitapon ko na to sa labas ng building.

hindi ko na pinansin pa si pamela. nagfocused nalang ako sa trabaho ko. habang sya, walang tigil ang pag tetext, paminsan minsan pa syang napapangiti. tsk..

Ten Months with the Teng family     JeMik fan ficWhere stories live. Discover now