Nabigo na siya sa pagpipigil niya at tumawa na dahil sa ganda kong ito, hindi niya matitiis ang kagandahan ko.

"Bakit ba kasi hindi ko kayang magtampo ng matagal sa'yo huh! Pati noong mga bata pa tayo." sabi niya at hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"Ligo lang ang baby Teylan mo." sabi niya at ngumiti bago dumiretso sa cr.

Gumulong gulong ako sa kama niya! gosh! Nababaliw na ako. Kinagat kagat ko na ang mga unan niya at mahinang tumili, gosh!

Nang matapos siya maligo, nakabihis na rin siya. Dumiretso na siya sa kama at niyakap ako, baliw talaga siya! Kiniss niya ang noo ko.

Pumikit na ako at nakatulog.

_

Pagkagising ko, wala na ako sa kama ni Teylan. Nakasabit na ako sa isang flatboard at naka kadena ang bawat kamay at paa ko.

Nilingon ko si Teylan na nasa gilid ko at naka-kadena rin siya pero sakaniya hindi lang kadena may parang magic na bumabalot sa mga kadena na nakabalot sa paa at kamay nya maging sa leeg niya.

"Hello welcome to the mansion of Derfodaroragon." sabi ng isang babae.

"Jennie?" sabi ko.

"Tama ka, ako nga ito. Alam mo gusto na kita mamatay eh, alam mo kung bakit? Kasi puro ikaw sinasabi ni Morgan sa'kin." sabi niya at naiinis ang itsura.

"Don't touch her, touch me if you want to." sabi ni Teylan.

"Nakaka-awa ka naman Teylan, nainlove ka sa basurang ito?" sabi ni Jennie.

"Pero bago ang lahat, may gusto akong ipakita sa maliit mong utak Aubrey." sabi niya at hinawakan ako ulo ko.

Mahal mo paba ako Jennie? sabi ni Darryll.

Yes, hinding hindi mag babago ang pagmamahal ko sa'yo Morgan. sabi ni Jennie.

Kung gano'n, magsimula ulit tayo ulit. Let's correct all of our mistakes in our past. sabi ni Darryll.

Binitawan na niya ang ulo ko, "Selos ka?" sabi niya at tumawa.

"Tama ang nakita mo, kami na nga ulit ni Morgan ang magkasintahan. Pero ikaw parin ang bukambibig niya!" sabi niya.

Hindi ko alam kung maiinis ba ako sa pinakita niya sa'kin o ano. Dahil hindi ako magseselos do'n dahil si Teylan ang mahal ko, siya ang gusto ko.

"Pero andito kayo di dahil sa'kin, kung hindi dahil kay Wade." sabi niya. 

Pumasok si Wade sa silid at napalunok ako sa itsura niya. Ibang iba ang itsura niya no'ng ando'n kami sa mundo  ng mga taobsa itsura niya rito.

His face has the aura of being fierce or fearless rather. "Ikaw ang babaeng gusto kong i-alay, mukhang maganda kung mamatay kana dahil sinisira mo ang Hogin." sabi ni Wade.

"I have the power to see the future, alam ko na ang mangyayari." sabi niya.

"Pero hindi ko makita kung mapapatay ba kita o hindi eh, pero kitang kita ko kung paano ko pinatay si Teylan." sabi ni Wade.

Kinilabutan ako sa sinabi niya, "Ano ang ibig mong sabihin?" sabi ko.

"Teylan will die, Morgan will die, I will kill them both para mapasakin na ang buong Hogin." sabi niya.

"I am just using Morgan, para makuha ko ang Hogin. Natutuwa ako dahil nahulog na siya sa bitag ko." sabi ni Jennie.

"Subukan niyong saktan ang babaeng iyan, Wade. Hindi niyo magugustuhan ang kaya kong gawin." sabi ni Teylan.

"You know it Teylan, halos mag ka lakas lang tayo." sabi ni Wade at ngumisi.

"Baka nakakalimutan mong si Morgan ang pinaka malakas sa Hogin?" sabi ni Teylan.

"I will protect Aubrey at all cost, I will protect Hogin at all cost and I don't care if my life is on danger, I will kill you." sabi ni Teylan at bigla nalang siyang nalaglag mula ro'n kahoy at nakatayo nalang siya bigla.

Umiilaw ang buong katawan niya at lumalabas ang usok mula sa ilalim at nanlilisik ang mata niya kay Wade.

"Guard!" sabi ni Wade.

Pumasok ang maraming guard ni Wade, "Ikabit niyo iyan ulit." sabi ni Wade.

Pero isang snap lang ng daliri ni Teylan ay naging abo ang mga guard ni Wade. "Hindi mo pa ako kilala." sabi ni Teylan.

___

Living With a Vampire | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon